^

Pang Movies

Babu na sa pagiging careless baby James Reid, kinumpirmang nilaglag ni Liza

Salve V. Asis - Pang-masa
Babu na sa pagiging careless baby James Reid, kinumpirmang nilaglag ni Liza
James at Liza

MANILA, Philippines — Laglag na ang management group ni James Reid, Careless, sa pamamahala sa career ni Liza Soberano.

Sa isang Instagram story ng Careless kahapon ay sinabi nilang wala na sa kanila ni Liza since July.

“Liza Soberano is no longer under Careless Music Management effective July 29, 2024. 

“It has been a pleasure to have represented her and we wish her the best in all of her endeavors,” buong pahayag ng kanilang short statement.

Halos dalawang taon din naging Careless baby si Liza.

Maaalalang malaking isyu noon ang pagpirma ni Liza ng management contract sa itinayong kum­panya ni James kung saan sinabi pa niyang excited siyang magtrabaho sa isang kum­panya na bibigyan siya ng “creative freedom and control.”

Kasabay noon ng kontrobersya sa pag-alis ni Liza sa manager niyang si Ogie Diaz at pagkaungkat sa usapin ng talent fee.

Anyway, ayon sa usap-usapan, matagal na raw nagkakaproblema ang communication nina James and Liza. Hindi rin diumano nagustuhan ni Liza ang statement ni James kamakailan na may chance silang magsama sa pelikula.

Ang kuwento, pipirma sa isang malaking talent ma­nagement group sa US ang former Kapamilya star.

vuukle comment

JAMES REID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with