^

Pang Movies

Aling Dionisia, kinumpara sa nanay ni Caloy

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa

Tama ba naman `yun, Salve A., na magpa-presscon ang ina ng Olympic back-to-back two-gold medalist gymnast na si Carlos Yulo na si Angelica Yulo para lamang mag-apologize sa kanyang anak? Hindi ba niya ito puwedeng gawing pribado dahil ito’y usaping pamilya?

Kung totoong sinsero ang kanyang paghingi ng tawad sa anak, bakit kailangan niya itong idaan sa isang press conference? Why is she trying to steal the limelight from her son na ipinagbubunyi ng Sambayanang Pilipino ang karangalang natamo.

Marami tuloy ang nagkomento na bakit hindi umano gayahin ni Angelica ang ginawa ni Aling Dionisia Pacquiao sa kanyang People’s Champ and boxing hero son na si Manny Pacquiao na naging very supportive sa anak from day one. Nakita rin naman kung paano mahalin at suportahan ng dating senador ang kanyang ina hanggang ngayon na never siyang siniraan laluna na sa publiko.

Ang paniniwala tuloy ng ibang tao na gusto ng ina ni Carlos na agawan ng shining moments ang kanyang anak dahil sa kanyang ginawa.

Gayunpaman, isa kami sa umaasa na sana’y magkasundo pa rin balang araw ang mag-ina sa kabila ng hindi magandang nangyari sa kanilang pagitan.

Mark, ‘di napagbigyan ni Sarah

Mark My Dreams ang titulo ng post birthday and 21st anniversary concert ng singer, actor, songwriter and entrepreneur na si Mark Bautista sa darating na Aug. 31 (Saturday) na gaganapin sa The Theater at Solaire at 8 p.m. na pamamahalaan ng director na si GM Sampedro with Nico Rivero as musical director habang special guest performers naman sina Regine Velasquez, ang Suklay Diva na si Katrina Velarde, Arthur Nery at ang singer-composer na si Rob Deniel.

Mark is turning 41 ngayong Aug. 10 (araw ng Sabado) and he’s grateful sa blessings na patuloy na dumarating sa kanya since he was declared 1st runner-up (to Sarah Geronimo) sa 2003 Star for A Night singing competition with Regine Velasquez hosting the show na parehong iniidolo nila ni Sarah G.

Nanghihinayang si Mark na hindi available si Sarah G. on his upcoming concert dahil meron na itong ibang commitment but he might ask for her video greetings which will be played and shown during the concert.

It was in 2018 nang lumabas ang controversial and best-seller autobiography book ni Mark na may titulong Beyond that Mark which he himself wrote kasabay ng kanyang pag-out as bisexual.

Ayon sa singer-actor, it was very liberating nang gawin niya ito at a time na handang-handa na umano siya sa magiging repercussions nito. At nagpapasalamat siya sa naging positibong suporta sa kanya hindi lamang ng kanyang pamilya at mga kaibigan kundi maging ang naging public perception in general.

Isa rin sa mga highlights ng music career ni Mark ay nang makuha siya to perform in an international audience sa West End and in Seattle, Washington nang kanyang gampanan ang papel ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. sa musical play na Here Lies Love in 2014 and 2017.

vuukle comment

CARLOS YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with