^

Pang Movies

Jennylyn, nakabitin pa ang kapalaran

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Maliwanag naman ang statement ni Jennylyn Mercado, na kung gusto pa raw siya ng network mananatili naman siyang isang Kapuso. Siguro iyong kaunting delay sa kanyang muling pagpirma ng kontrata sa network ay dahil may gusto siyang pagbabago sa dati niyang status.

Aminin naman natin, malayo na ang naabot ni Jennylyn bilang isang aktres, kung ang offer sa kanya ay kagaya pa rin noong kapapanalo pa lamang niya sa StarStruck, unfair naman iyon. Kasi ang daming mga artistang kagaya rin naman ni Jennylyn pero binabayaran nila nang mas mataas dahil nagtalunan lang sa kanila mula sa nagsarang ABS-CBN.

Minsan nga mapapansin mo mas may assignment pa ang mga naglipatan lang kaysa sa mga datihan nang talents ng GMA. Pero isipin nila, baka naman hindi ang mga artista nila ang mahihina baka iyong creative nila ang may problema.

At hindi maikakaila na isa si Jennylyn sa frontliners nila noong una pa. Sayang naman kung pakakawalan nila ang tulad ng aktres.

Willie, ‘di kayang kontrolin ang inis

Kawawa talaga si Willie Revillame sa ngayon kasi siya pa ang sinasabing arogante. Hindi naman sa kani-kanino, pero psywar iyan. Pinipilit ng iba na palabasing inis na si Willie at hindi na kaya ang kunsumisyon sa kanyang show dahil sa kanyang mga reklamo sa mismong programa niya.

Minsan lang hindi rin ma-control ni Willie ang pagkainis niya. Sabi nga niya nagre-rehearse naman sila pero nagkakamali pa. Nakakatawa nga eh kagaya noong isang araw, iyong floor director nila dumaan pa sa harap ng camera. Alam naman niya ang blocking, ang puwesto ng mga camera, kung anong camera ang active, dahil tiyak naririnig niya ang instructions ng director naka-head set siya eh, pero kung saan pa active ang camera, doon pa siya dumaan, natural napikon na naman si Willie.

Talagang mahirap ang ginagawa ni Willie, kasi inaako niyang lahat eh.

Kaya hindi mo masisisi kung mapikon si Willie, iyon nga lang huwag niyang ipakitang napipikon siya on the air, nakakahiya rin. Kung may staff na talagang mahina eh di palitan na lang niya para maiwasan ang kunsumisyon, after all siya naman ang in charge sa show niya.

Kylie, maraming konsiderasyon sa karelasyon

Inamin na rin ni Kylie Padilla na “taken” na siya ulit. Ibig sabihin muli nang tumibok ang kanyang puso.

Mas madali para sa isang lalaking hiwalay sa asawa na makakuha ng asawang muli, dahil kung may mga anak man siya, tiyak na tanggap iyon ng syota niya. Pero ang nanay na may anak, mahirap na sitwasyon ang ipakikisama mo ang mga anak mo sa bago mong magiging asawa kung sakali.

Para kay Kylie, iyan ang mahalaga at mas unang dapat niyang tingnan.

Aktor, lantaran ang natanggap na indecent proposal

Natawa kami sa isang male starlet, kasi minsan daw sa isang coffee shop may nag-abot sa kanya ng message na nakasulat sa napkin na ang sabi “gusto kitang ma-meet.” Tapos itinuro raw ng waiter sa kanya kung sino ang nagpaabot ng mensahe.

Hindi naman daw niya pinansin ang invitation, at nang kinukuha na niya ang bill sinabi ng waiter na bayad na raw ang lahat at itinuro ang bading na nagpaabot sa kanya ng message sa napkin na siya raw nagbayad. Aminado ang male starlet, kinabahan siya. Hindi mo naman masasabing hindi pa siya sanay sa ganoong indecent proposals marami na rin siyang na-encounter na ganyan at may ilang nasabitan na rin niya, “pero ayoko naman noong masyadong kontrobersiyal at bulgar,” sabi niya.

Noong una pinipilit naming itanong kung sinong bading at ayaw pa niyang sabihin. Tapos sa kakakantiyaw inamin na rin niya bandang huli kung sino iyon.

Ang mga matatanda nga namang bading na wala nang magawa sa buhay.

Dapat sa kanya nananahimik na.

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with