^

Pang Movies

Gen Z fans nina Rico at Claudine, pinipilit na anak nila si Julia

ABOUT SOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Gen Z fans nina Rico at Claudine, pinipilit na anak nila si Julia
Rico Yan at Claudine Barretto
STAR/ File

Mga imbentor

Ayaw papigil ng kanilang mga teoriya ang Gen Z fans nina Claudine Barretto at Rico Yan at kahit alam nilang mali at malabo, sige pa rin sila. Akalain ninyong may nag-akalang anak nina Claudine at Rico si Julia Barretto?

Hindi lang daw maamin ng dalawa noon (hindi kasama sa teoriya nila kung bakit hindi inamin), kaya ibinigay nila si Julia kay Marjorie Barretto. Si Marjorie na raw st si Dennis Padilla (nagsasama pa sila noon) ang nagpalaki kay Julia at sila na rin ang kinilala nitong mga magulang.

Ang patunay daw na anak nina Claudine at Rico si Julia ay dahil gaya ni Rico, may dimples din si Julia. Hindi pa yata nakakarating ang teoriya na ito kina Marjorie at Dennis na hindi matutuwa. Imagine, ipaangkin sa iba ang kanilang anak.

Ano pa kaya ang mga susunod na iimbentuhin at paniniwalaan ng Gen Z fans nina Rico at Claudine?

Barbie at Maris, may fans sa GL

Aliw si Barbie Forteza nang naglalakad sa PinoyCon na ginawa sa One Ayala sa Makati dahil kahit may mga security sa paligid  niya, naging extra careful pa rin ang isa sa mga bida ng Pulang Araw. Habang naglalakad, krinus nito ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib. Lapitan man siya ng fans, hindi mahahawakan ang chest area niya.

Naging careful lang si Barbie na tama naman sa rami nang tao na duma­ting, lalo at hindi niya katabi si David Licauco na poprotekta sa kanya.

Sa  pelikulang That Kind of Love, nagpakita ng husay sa pag-arte si Barbie at ‘yun uli ang gagawin niya sa Pulang Araw. Makikipagsabayan siya ng acting kina Alden Richards at Dennis Trillo.

Samantala, sinong producer kaya ang susugal sa request ng mga fans na bigyan ng GL movie sina Barbie at Maris Racal? May chemistry daw ang dalawa at nakita ito sa guesting nila sa Netflix ad.

Willie, inisahan si Coco

Nadulas lang ba si Willie Revillame nang mabanggit ang “mga anak” nina Coco Martin at Julia Montes sa kanyang pasasalamat kay Coco?

Pinasalamatan kasi ni Willie si Coco sa pagbati nito sa first airing ng Wil to Win noong Sunday sa TV5. Sobrang natuwa siguro si Willie kaya nasabi ang hindi dapat masabi.

Sa pagpapatuloy ni Willie, binati ang bangs ni Coco na bagay daw sa aktor. Dagdag pa nito, sana dumating ang araw na i-guest siya ni Coco sa Batang Quiapo. Pagbibiro nito, “Bibigyan kita ng jacket.”

Hindi naman siguro nagalit sina Coco at Julia sa ginawa ni Willie na inunahan sila sa pagkumpirma sa estado nila sa buhay.

vuukle comment

RICO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with