^

Pang Movies

James, babalik na sa acting!

Salve V. Asis - Pang-masa
James, babalik na sa acting!
James

MANILA, Philippines — Gusto nang bumalik sa pag-arte ni James Reid.

Ito ang inamin niya sa interview nang dumalo sa ginanap na The 7th Eddys (Entertinment Editors’ Choice) last Sunday night sa Ceremoniall Hall, Marriott Grand Ballroom.

Matagal-tagal na nga ring nakatutok sa kanyang musika si James.

“I always say that I am planning to go back to acting after I explore music and I have a new EP so I was excited. And yeah there will be a movie project and new projects coming,” aniya sa mga nag-interview bago siya pumasok sa venue.

Aniya, gusto raw talaga niyang mag-pause at tuklasin ang sarili sa pamamagitan ng musika at sa nakalipas na ilang taon ay talagang nakatuon lang siya sa pag-compose ng musika para malaman kung ano talaga ang gusto niya. “And I think I am very happy where I am right now and excited to take what’s next,” sabi niya pa. 

 Pero bilang talent ma­nager ni Liza Soberano na kasalukuyang nage-explore ng career a Hollywood, aminado si James na hindi raw ito pumasok sa isipan niya.

Aniya, iba ang pangarap ng bawat isa.

“She’s doing good and I am very proud that she’s able to push Filipinos internatio­nally,” aniya pa.

Pero inamin niyang malaki ang posibilidad na magkaroon sila ng acting project ni Liza.

“I think there’s a big possibility and that could happen,” sabi pa James na sa totoo lang ay parang hindi naman nagdagdag ng edad since noong magka-loveteam sila ni Nadine Lustre, na ngayon ay nag-mature na talaga ang hitsura.

Jessy, naloka sa mga content creator na ginagamit si Rico Yan

Nagbigay ng opinyon si Jessy Mendiola tungkol sa isang kamakailan ay nag-trend kung saan kinukunan ng fans ang kanilang sarili sa libingan ng yumaong aktor na si Rico Yan.

Aniya nasaan na sa salitang “di­sente.”

Sinabi ito ni Jessy kalakip ang isang artikulo na tumatalakay kung paano umani ng mga negatibong reaksyon ang trend sa social media, na makikita sa Instagram Stories ng comebacking actress noong Martes, Hulyo 9.

Ipinunto ng ilan na ang libingan ni Rico ay tila naging “tourist attraction” habang binibisita ito ng mga tagahanga para sa kanilang social media content.

“Wala na bang magawang matino ang mga social media addicts? Konting respeto naman sa namayapa na at pati na rin sa pamilya ng yumao. Susme.

“Lahat na lang ba para sa likes, followers and views? Nakalimutan na yata ng mga tao ang salitang ‘respeto.’ Wala nang decency,” komento niya pa sa story na 24 hours lang tumatagal.

Nag-iwan din ng komento ang aktres sa Instagram post para sa artikulo, na “Very disrespectful. Tsk.”

Na totoo naman.

Ngayon, alang-alang sa social media content, hindi na inaalala ang respeto hindi lang sa isang namayapa na tulad ni Rico 22 years ago. Kahit sa privacy ng ibang tao, ginagamit para pagkakitaan.

Namatay nga si Rico sa Palawan, Biyernes Santo noon, habang nagbabakasyon sa edad na 27.

Hemorrhagic pancreatitis ang sinasabing cause of death niya.

Marami siyang naging hit movies na katambal si Claudine Barretto bago pumanaw.

Barda, napaarte!

Ang lakas ng kilig ng pelikulang That Kind of Love starring Kapuso love team Barbie Forteza and David Licauco na nag-umpisa nang ipalabas sa mga sinehan kahapon, Wednesday.

Pinatunayan nga nilang hindi man sila sa totoong buhay, innate naman ang chemistry nila at nagta-transform para maging believable ang kanilang mga eksena sa pelikula.

Nagkaroon ang That Kind of Love ng premiere night days ago at bukod sa kilig, nailabas nila sa pelikula ang kanilang kakaibang galing.

Nayanig ang sinehan sa fans nina Barbie at David na tagos talaga ang kilig sa mga eksena nila na kahit kami ay hindi umalis para tapusin ang pelikula.

Hindi predictable at very Korean ang visual.

Dinirek ito ni Catherine Camarillo, produced by Pocket Media Productions, Inc. and Pocket Media Films in cooperation with Happy Infinite Productions, Inc. and released and distributed by Regal Entertainment.

Simple ang kuwento nito pero exciting ang mga twist : isang babae na hindi inaasahang mai-inlove sa super yaman gwapong lalaki.

Nagdagdag ng ganda ng pelikula ang mga eksena nila sa South Korea lalo na nung nag-street food trip sila.

Kaya naman masaya si Direk Cathy sa kinalabasan nito. “When I looked at them and gave them instructions, sobrang being natural for them to do. As a director, you need to guide your actors to the vision that you want to do.

 “Titimplahin mo, that’s why there were times when natural and genuine ang labas ng loveteam. Hindi pilit.

 “The character of David was close to his personality, so that was not too hard for him to portray. You see their confrontation, it was very hard for both of them. Before we started to shoot, I studied his past shows and planned where I needed to adjust.

 “I studied how I would handle David to bring out what’s good and the best in him. Alam ko may ilalabas pa siya. This one is just the preliminary offering for all of you.

 “We’ll find out if That Kind of Love will make Pocket Media Productions a success. You can expect a sequel for this one,” ayon kay Direk Cathy sa isang interview.

Ang confrontation scene nina coach Mila (Milagosa Maharlika played by Barbie) at mayamang businessman na si Adam De Dios (David) ang pinakamahirap na i-execute ni direk CC.

 “I don’t want to mention any spoilers, but let’s just try to support this film so we can reach more audience who will appreciate the rom-coms that we offer and they will return to the cinemas to watch movies again.”

Dagdag niya pa, hindi ito basta rom-com : “Audiences will not just be thrilled to watch That Kind of Love. There are sub-plots that are also heavy, real.

“Two different individuals sear­ching for love. However, they cannot face reality. That’s the magic of love. I had fun directing Barbie and David because they are brilliant and intelligent actors. They listened they really respected my vision.

 “They followed my instructions. Maybe, for any director, if your actors are like them, you will not have any problem. It won’t be hard for me. We had fun doing the film.”

Mahigit dalawang dekada nang nagtrabaho si Direk CC bilang assistant director sa ABS-CBN bago siya walang takot na nakipagsapalaran sa pagdidirek sa Chances Are, You and I, kasama sina Kelvin Miranda at Kira Balinger na ipinalabas last May.

 From Maria Clara at Ibarra hanggang sa Maging Sino Ka Man, patutunayan naman ng BarDa kung madadala ng kanilang tambalan ang fans sa mga sinehan.

Naging entry na rin ang That Kind of Love sa ginanap na Jinseo Arigato International Film Festival  sa Japan kamakailan.

Kasalukuyan na itong napapanood sa mga sinehan simula kahapon, Miyerkules.

Habang sinusulat namin ito ay wala pang feedback kung magkano ang kinita ng pelikula sa unang araw nito sa mga sinehan.

vuukle comment

JAMES REID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with