^

Pang Movies

Karla, umapela sa fans ni Daniel!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Karla, umapela sa fans ni Daniel!
Daniel

Nanawagan si Karla Estrada sa lahat ng supporters ni Daniel Padilla na itigil na ang pangba-bash sa ibang tao.

Sa kanyang Facebook account isinagawa ng aktres/TV host ang panawagan pero hindi na siya nagtukoy pa ng pangalan.

“Panawagan sa lahat ng mga supporters ni Daniel Padilla or DJP, pakiusap lang po No bashing tayo please,” pakiusap ni Karla.

Ayon pa sa momshie ni DJ, hindi raw ganitong klase ang gusto nilang pagsuporta ng fans para sa kanyang anak.

“Hindi yan ang klase ng pamamaraan ng pag suporta na gusto ng aming Pamilya para kay Daniel. We appreciate your support, but please, no bashing to others,” aniya.

Mensahe pa niya sa fans, “Ipagmalaki Ang lahat ng Blessings ni DJP. Respeto para sa Blessings ng iba.Maging masaya tayo sa tagumpay ng bawat isa. NO TO HATE NO TO BASHING Salamat ”

Bagama’t walang tinukoy na pangalan kung sino ba ang ipinakikiusap ni Karla, hinihinala ng fans na ang ex-girlfriend ni Daniel na si Kathryn Bernardo ito base na rin sa kanilang sagot.

“Totoo! Suportahan natin sila at maging happy sa kanilang dalawa dahil minsan din nila tayong napasaya. Nakaka dismaya lang ibang fans nag cocomment or post ng negative. Let’s share positivity and be happy sa achievements, blessings nila o kung saan man sila ngayon,” pahayag ng isang fan.

“Dpat ganito din gawin ng kabila..I call out nila mga fans nila na grabe mkapang bash Kay Dj...dahil dyan mas lumalim respeto ko sayo Ms.Karla...I hope the other side will do the same...for the peace of everyone...Tigilan na ang mga below the belt na banat...Let’s all celebrate the success of Dj,” sey naman ng isa pa.

Jennylyn at Dennis, nagbukas ng production company 

Papasukin na rin ng mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ang pagpo-produce. Nagtayo ang celebrity couple ng sariling productions called Brightburn Entertainment base na rin sa Instagram post ng aktres.

Ipinost ni Jen ang larawan ng pakikipag-meeting nila sa Netflix Philippines para sa kanilang bagong-tatag na produksyon.

Makikita sa larawan ang mag-asawa kasama ang mga Netflix people at ang managers nilang sina Katrina Aguila and Jan Enriquez.

“After 20 years in the industry, Dennis and I are trying on new hats, this time as producers, as we formally put up our own production company called Brightburn Entertainment,” pahayag ni Jen.

“We are very excited for this and just want to share with you these photos? our first ever official meeting as a team with no less than Netflix Philippines 

“Thank you so much po sir Vitto, Bene and Luis for spending some time with us and for discussing opportunities we can explore in the future. Looking forward to working with all of you!” pahayag ng aktres.

 Hindi pa sinabi ni Jen kung ano ang first project na gagawin ng kanilang produksyon.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with