^

Pang Movies

Kathryn, lumiliyad liyad na rin!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Kathryn, lumiliyad liyad na rin!
Kathryn

Magawa nga kayang lampasan ng bagong pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang box office record ng nauna nilang pelikula na Hello, Love, Goodbye?

May mga kakaibang factor na maaaring bigyan ng konsiderasyon. Noong una silang nagkasama sa pelikula ay hindi masasabing isa silang love team dahil alam naman ng lahat na noon ay mag-syota sina Kathryn at Daniel Padilla. Ngayon sinasabing si Alden ay talagang nanliligaw na kay Kathryn bagama’t hindi pa sila hayagang mag-syota.

Ayon sa ilang sources mas palo pa nga raw ang pamilya ni Kathryn kay Alden kaysa kay Daniel Padilla noong araw, kaya lang wala naman silang magawa dahil sila nga ni Kathryn noon.

Pero sa rami na rin ng mga ginagawa nila ngayon na laging nasa social media, paano pa mapapanatili ang interest ng mga tao sa pelikula nila.

Imagine ngayon, lumiliyad-liyad na si Kathryn para sa kanyang isang endorsement. Wala na ring tinatago.

Ano pa ba ang pagkakaiba niya sa mga young star na todo ang pagpapa-sexy.

Nawala na ang pagiging ‘good girl’ niya kumbaga.

Andrea, biglang tahimik

Matagal-tagal na rin namang wala tayong naririnig tungkol kay Andrea Brillantes. Kung noon ay nagkasunud-sunod ang controvery dahil sa split nila ng dating boyfriend na si Ricci Rivero, ngayon naman ay sinasabing wala pa nga raw siyang bagong boyfriend.

Marami namang iba na nagsabi na gusto nilang manligaw kay Andrea pero siguro nga hinihintay rin nilang tuluyang humupa ang mga issue sa kanya.

Maganda naman si Andrea at hindi kataka-taka kung bigla na lang mabalitaang may syota na nga siyang iba. 

Aktor na pamilyado, karelasyon ng bading na model/aktor!

Pinagtatawanan namin ang isang vlogger na nagpipilit na magsabing ang isang kilalang actor ay bading. Idinidiin pa ng vlogger na may isa raw siyang puting ahas na nagsabi sa kanya na hindi lang isa kundi dalawang kelots pa ang madalas na dumadalaw sa actor.

Ang alam namin, babaero ang actor na iyan, maganda rin naman ang kanyang asawa, at baka nga mali ang vlogger kasi may kapatid siyang bading talaga, pero ang actor imposible talaga ngang bading iyan.

Pero mali rin ata kami dahil noong isang gabi ay nakasama namin ang isang matagal na naming kaibigan at nabuksan ang usapang iyan, diretso niyang sinabi sa amin na isang barkada nila ang boyfriend nga ng actor na iyon, at matagal na ang kanilang relasyon. Ang tinutukoy naman niyang karelasyon ng actor na bading ay isang male model at nag-aartista rin, bagama’t hindi pa masyadong sikat.

Naku bading pala siya, hindi talaga namin alam.

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with