^

Pang Movies

Karla, magiging lola na

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Ikinasal na ang kapatid ni Daniel Padilla na si JC sa kanyang non-showbiz partner na si Nathalia Valdivia.

Ang ina ng groom na si Karla Estrada mismo ang nag-anunsyo nito sa kanyang Instagram account last Sunday.

Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Karla ang naganap na civil wedding nina JC at Nathalia sa San Juan City officiated by city Mayor Francis Zamora.

Sa mga larawan ay makikitang naroroon din sa kasal si Daniel.

Caption ni Karla, “May the years ahead be filled with lasting joy, CONGRA­TULATIONS to a couple whose match made in heaven! I love you both Nathalia & Carlito.”

Kasunod nito ay isa pang magandang balita ang ipinost ni Karla. Magiging lola na siya dahil kasaluku­yang buntis si Nathalia. She revealed na lalaki ang kanyang magiging unang apo.

Masayang-masaya si Karla at sinabing Mamita raw ang gusto niyang itawag sa kanya ng apo.

“ITS A BOY!!! Wooooooohoooo!!! Blessing after Blessing.Thank you Father GOD. Congratulations Nath & Jc

“You can call me mamita. We love you !!!” caption ni Karla.

Makikita sa larawang ipinost ng TV host/actress ang baby bump ni Nathalia.

Zeinab, ikakasal na sa basketball player

Officially engaged na ang content creator na si Zeinab Harake at ang basketball player na si Bobby Ray Parks, Jr. Inanunsyo mismo ito ng magdyowa sa kanilang social media account last Sunday.

Makikita sa mga larawang ibinahagi nila sa Instagram ang ilang mga kaganapan sa proposal/engagement na naganap.

Sa isang photo ay makikita ang pagluhod ng basketball player kay Zeinab hawak ang singsing. Makikita rin sa ilang larawan na parehong naging emosyonal sina Zeinab at Ray habang nagaganap ang proposal.

Isang maikling “Y E S” lang ang caption ni Zeinab sa mga larawan.

Kasabay nito ay inilabas din ng content creator sa kanyang vlog kung paano pinaghandaan ng basketbolista ang bonggang proposal. Ang alam ni Zeinab ay pupupunta sila sa isang birthday party ng kanilang kaibigan.

Pagdating sa venue ay medyo nakahalata si Zeinab at sey niya, “hindi ‘to birthday ni Donna.”

Nang bumukas ang mga ilaw ay makikita na nga si Ray na nakatayo sa gitna with matching “Marry Me” led lights.

Sey ni Zeinab habang lumalapit siya sa kinaroroonan ng boyfriend, “sabi ko na, eh.” Paglapit ni Zeinab ay sinabi na nga ni Ray ang kanyang proposal speech.

“I am truly blessed to call you my best friend, my lover, and my biggest supporter and I hope that you feel the same way towards me. I want to continue to build a Christ-centered relationship in which I will lead and serve with the best of my abilities,” bahagi ng speech ng basketball player.

“Zeinab Harake, would you make me the happiest man in the world? Will you marry me?” ang tanong ni Ray kay Zeinab nang nakaluhod.

Of course, Zeinab said “yes” at emosyonal silang nagyakap.

Ang nasabing proposal ay nasaksihan din ng pamilya ni Zeinab kabilang na ang dalawang anak ng content creator na sina Bia at Lucas.

Ayon naman kay Zeinab, hindi na raw sana siya naniniwala sa kasal dahil sa mga pinagdaanan niya pero nang dumating si Ray sa buhay niya ay nag-iba ang kanyang pananaw.

“Sumugal ako ngayon with our lives talaga, buhay naming tatlo ng bata binibigay ko sa’yo kasi naniniwala ako sa Diyos, sa’yo and deserve mo ang yes,” pahayag pa ng content creator.

Zeinab and Bobby just celebrated their first anniversary as a couple last June.

vuukle comment

KARLA ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with