^

Pang Movies

Aktor, rich girl ang mga jinojowa!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Yayamanin ang mga nagiging girlfriend ng aktor na ito, sabi nga nila, marunong siyang mamili ng mamahalin. Isang ex-GF ng aktor ay anak ng owner ng hospital at university, matagal ang kanilang relasyon at naitago sa fans. Saka lang nalaman ng fans na naging GF siya ng aktor nang mag-break sila.

Ang current GF ng aktor ay mula sa rich family from Pampanga at may food business na marami ang consumers. Unlike sa ex, mas open ang aktor sa bagong karelasyon niya ngayon at kilala siya ng solid fans ng aktor na karamihan ay boto sa kanyang GF.

Libre ring nakakapag-date ang aktor at ang GF niya ngayon nang walang fans na nagagalit. Pati ang fans ng love team ng aktor, tanggap ang karelasyon at hindi bina-bash si GF.

Kaya lang, pagdating sa aktres na ka-love team ng aktor, may fans na ayaw sa boyfriend nito. Bina-bash ng fans ang BF ng aktres. Parang unfair ito, magtataka ka kung bakit iba ang treatment ng fans sa GF ng aktor at BF ng aktres.

Anyway, doon sa yayamanin ang mga nakakarelasyon ng aktor, hindi lugi sa kanya dahil yayamanin din ang aktor. Hindi siya maaakusahan na pera lang ang kanyang habol.

Olivia Rodrigo, ayaw palibre sa resto na kinainan

Naba-bash si Andrea Brillantes dahil ang seat niya sa concert ni Olivia Rodrigo ay nasa center at front pa. Ginamit daw nito ang influence para makakuha ng secured seat. Hindi ba puwedeng may inutusan siya sa first day pa lang ng release ng ticket to buy for her at pilian ang magandang seat?

Tama ang isang fan ng aktres na ang dapat awayin ng mga nagagalit ay ang producer ng concert na Live Nation at hindi ang mga celebrity. Hindi rin daw kasalanan ng mga celebrity kung may naka-reserve na ticket for them. Prerogative ng producer kung sino ang bibigyan ng tiket.

Anyway, puno ang Philippine Arena sa rami ng nanood sa concert ni Olivia at ma­rami ang natuwa sa kanya dahil hindi maarte. Ayaw daw siyang pagbayarin sa kinainan niyang resto, but she insisted to pay.

May nag-comment pa na parang student siya ng Benilde, kabababa lang sa MRT at papunta na sa klase niya. Wala raw kasing kaarte-arte ang Fil-Am singer na namasyal agad sa Intramuros pagdating niya ng Pilipinas.

Poster ng KathDen, pinintasan

Sa hindi fans nina Alden Richards at Kathryn Bernardo, hindi nila nagustuhan ang poster ng Hello, Love, Again. Puro negative ang nabasa naming comments at inisa-isa nila kung bakit ayaw nila ito.

Parang minadali raw, may nagsabi pang parang sa Laguna ang backdrop ng poster. May netizens naman na ang suot ni Kathryn na yellow tops ang pinansin dahil hindi raw maganda. May nagsabi namang parang pandak sina Alden at Kathryn.

May nagsabi pang parang hindi magkasama ang mga bida nang kunan ang poster at pinagtabi lang. Sana rin daw, location sa Canada ang background ng poster na tingin naman namin ay sa Canada talaga ang location.

Sorry na lang sa mga nag-dislike sa poster dahil marami pa rin ang gustong manood ng HLA. Heto nga at manonood sila sa midnight screenings, manonood sa regular showing na magsisimula sa Nov. 13, at manonood sa block screenings.

  

vuukle comment

AKTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with