^

Pang Movies

Aktor na Laos, pahirap sa international movie!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Pahirap sa isang producer ng international movie nang kunin ang aktor na sumikat naman noong kapanahunan niya pero ngayon eh supporting roles na lang ang ginagawa sa TV.

Kasama ang aktor na sinyut sa isang Asian country kasama ang mas magaling sa kanyang aktor.

Palautos sa staff na banyaga ng kung anu-ano kaya naman imbyerna ang producer sa kanya. Bukod sa palautos, mareklamo pa at maraming dahilan gaya ng may anxiety, panic attack at kung anu-ano pa kaya pinatigil ang shooting niya.

Minsan, nang hinahanap siya ng staff, hindi siya makita. Nalaman na lang na meron siyang babaeng foreigner na kasama at first time lang niyang nakita!

Kaya naman ayaw na ng produ na kunin ang aktor na has been na ang kasikatan!

Writer-actor-director Dinky Doo, Jr., namatay na rin

After pumanaw ng writer-actor-director na si Manny Castañeda, ang komedyanteng si Dinky Doo, Jr. ang pumanaw kahapon.

Ang isang anak ang nag-post ng pagpanaw ng ama sa kanyang Facebook account.

Nakasama namin si Dinky noong panahon ng action movies kung saan madalas na sidekick ng bida ang role niya.

Hindi binanggit ng anak ang dahilan ng pagkamatay ni Dinky.

Ang aming pakikiramay sa naulila niya.

Rest in peace, Dinky….

vuukle comment

ACTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with