^

Pang Movies

Kuya Kim, magdedemanda?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Kuya Kim, magdedemanda?!
Kuya Kim

Ang post ni Kim Atienza na “Nope, not today,” bilang paglilinaw sa lumabas na fake news sa Facebook na pumanaw na siya. Pinost niya ang fake news na lumabas na nanggaling pa raw sa GMA Network at may nakasulat na “Maraming Salamat, Alejandro “Kim” Iligan Atienza January 24, 1967-June 3, 2024.”

Sa isang TikTok account nanggaling ang fake news kasama ang black-and-white photo niya at may caption na “Until again brother Kim.” Napa-react tuloy si Michael V., ng “Welcome to the club, brod! Until again” dahil siya man ay “pinatay” na sa TikTok ng mga walang magawang nilalang for clout purposes.

Sa mga comment sa Instagram ni Kuya Kim, mababasang galit ang mga kaibigan ng TV host gaya ni Rita Daniela na nagsumbong na naka-off ang comment ng TikTok nang nagpakalat ng fake news. Ilang artists na raw ang pinatay nito at dahil walang nagrereklamo at nagdedemanda, nasasanay. Tinanong si Kuya Kim kung puwede niyang idemanda ang TikTok user? Wala pang sagot ang TV host sa tanong na ito.

May nag-comment pa nga na sana maunang mawala ang nagpakalat ng fake news sa pagkamatay niya at sa mga nauna nang pinatay niya. 

Mark, uunahin sina Kris at mga anak 

Binati ng happy birthday ni Batangas Vice Governor Mark Leviste si Joshua Aquino, ang panganay ni Kris Aquino na 29 birthday kahapon. Nag-post si Mark ng reels na tumatakbo sila ni Josh at may kasama pang workout.

Simple and short ang caption niya sa reels at sabi lang, “Happy Birthday, Kuya Josh!You light up our lives every day. Love, love, love.”

Mas mahaba pa ang hashtag sa birthday greetings ni Mark kesa caption, pero ang dami nang nagpasalamat sa kanya for loving Josh and for spending time with him.

Hindi niya nabanggit kung bago ang pinost niyang reels at kung dito ba kuha ang video o sa Orange County noong nasa Los Angeles, California siya. Sabagay, hindi na importante ‘yun dahil ang mas importante ang birthday greetings niya kay Josh at ang pagpapakita niya ng pagmamahal sa panganay ni Kris.

Nang makausap ng ilang press si Mark sa birthday celebration ni Aster Amoyo, nabanggit nito na hindi siya tatakbo sa midterm elections. Ibubuhos daw niya ang kanyang oras sa kanyang mga anak at kay Kris at kina Josh at Bimb. Magpapabalik-balik siya ng Pilipinas at Amerika para rito.

VVL, dadalhin sa Japan!

Ire-release pala na pelikula sa Japan ang Voltes V: Legacy. May announcement na tungkol dito at ibinalita na Oct. 18, 2024 ang cinema release ng movie sa Japan.

May video si Director Mark Reyes congratulating the launching announcement at sa huli, sinabi nitong “Let’s volt in!” May Japanese fans na nag-comment sa post ni direk Mark at excited na silang mapanood ang VVL.

Hindi lang sa mga cinema sa Japan ipalalabas ang VVL dahil ipalalabas din ang series sa TV station ng Tokyo MX.

May nagtanong kay Direk Mark kung pupunta ba sila (kasama ang cast ng VVL) sa Japan sa showing nito sa October. Wala pa siyang sagot at maganda ngang idea na dumalo ang Filipino cast kung may premiere man sa Japan ang movie.

KIM ATIENZA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with