^

Pang Movies

Kiko, muntik sumuko sa showbiz!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa

Aminado ang actor na si Kiko Estrada na dumating umano sa point ng kanyang career na gusto na niyang gumib-ap at huminto sa kanyang showbiz career sa kawalan ng proyekto. Ito’y inamin ng actor sa isang pocket presscon (for him) na ginanap sa Board Room ng Viva offices in Ortigas Center last Wednesday afternoon.

Thankful ang eldest son ng dating magkasintahang actors na sina Gary Estrada at Cheska Diaz sa magandang takbo ngayon ng kanyang career sa tulong ng kanyang home studio, ang Viva Artists Agency.

Siya ang pangunahing bida sa TV remake ng pelikulang Lumuhod Ka Sa Lupa, ang 1986 hit action-drama movie ng yumaong action star na si Rudy Fernandez.

Gerald Santos, pakakasal na sa Fil-Am US Navy!

Kakaiba ang glow ngayon ng singer-songwriter at stage, film and TV actor na si Ge­rald Santos. Bakas sa kanyang mukha ang pagiging in love.

Sa isang intimate interview with Gerald na ginanap sa Pandan Asian Café last Wednesday ng hapon, inamin nito that he is currently in a long distance relationship (LDR) sa isang US Navy, ang Fil-Am na si Grace Torrecacion na kanyang nakilala sa kanyang New York City, USA trip nung isang taon.

Kahit magkalayo, they make it a point to visit each other at least once in every two months. Katunayan, sa susunod na buwan sa 18th anniversary concert ni Gerald sa Music Museum na pinamagatang Grateful on June 29, 2024 ay darating si Grace to watch and support his concert.

Kahit magwa-one-year pa lamang sila ay napag-uusapan na rin nila ang pagpapakasal. Balak nilang magpa-civil wedding in New York at church wedding sa Pilipinas para makadalo ang kanilang mga kamag-anak at mga kaibigan.

“I’m not getting any younger,” ani Gerald.

“Nasa plano ko rin naman ang magkaroon ng sarili kong pamilya,” aniya na siya ring gustong mangyari ng kanyang girlfriend.

Kahit LDR ang kanilang relasyon ni Grace, hindi ito problema sa kanila dahil na rin sa tulong ng social media at video calls.

Samantala, magiging special guest performers sa Grateful concert ni Gerald on June 29 sa Music Museum sina Rey Valera, Ogie Alcasid at Rita Daniela, to be directed ng kanyang manager na si Rommel Ramilo who will also write the script.

vuukle comment

KIKO ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with