^

Pang Movies

Willie, inaming nagpaka-wais sa TV5!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Willie, inaming nagpaka-wais sa TV5!
Willie

Ngayon, maliwanag nang hindi na lang sa internet mapapanood si Willie Revillame. Balik siya sa TV5 pagkatapos ng Eat Bulaga. Ngayon hindi lang isa kundi dalawang programa na ang kalaban ng GMA 7.

“Be smart sa buhay kasi kung hindi ka magi­ging smart, walang mangyayari sa buhay mo. You have to be smart sa buhay. Dapat tama ang pipiliin mo. Be smart dito sa TV5,” bahagi ng pahayag ni Willie nang ianunsyo ang pagsanib-pwersa nila ng MQuest Ventures.

Tumagal daw ng tatlong taon ang programa niya sa TV5 noon mula taong 2010-2013 nagpahinga ng dalawang taon saka lumipat sa GMA na tumagal hanggang noong 2021.

“After more than one year, ito ho nagbabalik ako. No bitterness, nox hatred in my heart. Marami nang nasabi na kung anu-ano pero para sa akin wala, natural lang ‘yun. Kasama sa buhay ‘yan,” dagdag niya.

Ano naman kaya ang itatapat ng GMA sa bago nilang kalaban? May isa pa bang show na makukuha nila sa nagsara nang ABS-CBN para itapat kay Willie, eh mukhang todo na rin ang kasa ng mga iyon sa AMBS ng mga Villar, na magtitindig hindi lamang ng kanilang mga serye kundi maging ang TV Patrol? Mabigat na rin ang labanan ngayon sa news.

Alden, mabilis ang porma kay Kathryn

Hindi rin naman maganda iyong nasasabing hanggang ngayon kahit na may nanliligaw nang iba kay Kathryn Bernardo, at kahit na sinubukan na naman niyang makipagbalikan nang ilang ulit ay talagang balewala na siya. Si Daniel Padilla ay mukhang hindi pa matanggap na tapos na ang lahat sa kanila.

Ngayon lang din lumalabas na marami rin pala sa partido ni Kathryn ang ayaw kay Daniel hindi nga lang sila makapagsalita noong araw dahil on pa ang dalawa.

Pero hindi rin naman gusto ni Kathryn na masira ang kanilang love team at maapektuhan ang kanilang career kung di nga lamang may mga sumunod pang insidente kaya inilabas na niya sa publiko na wala na sila.

Nang magdeklara naman ng ganoon si Kathryn, aba eh lahat na lang nagpakita ng interest sa kanya. Maski na nga ang kaibigan ni Daniel na si Joshua Garcia ay nagpahayag ng pagkagusto noon kay Kathryn, pati na iyong Donny Pangilinan na ka-love team ni Belle Mariano, nagpahayag din daw diumano ng interest kay Kathryn.

Pero mabilis na nakaporma si Alden Richards natural hindi na niya pakakawalan ang pagkakataon, after all maaaring maulit ang kanilang pelikula na humahawak ng record ngayon sa box office.

Kaya kung si Daniel ay patuloy pang maghahabol, masyadong late na. Doon siya nagkamali.

Rabiya, nilayasan na ang Tiktoclock!

Nang matapos ang kanyang kontrata nagdesisyon na si Rabiya Mateo na umalis na sa programang TikToClock.

Sa totoo lang naman. Iyon ay isang comedy show, at ano nga ba ang gagawin ng isang beauty queen sa ganoong palabas?

Tila hindi rin naman sumusulong ang kanyang career, nasasapawan pa siya ng mga tunay na komedyanteng kasama sa nasabing programa.

Tama lang na umayaw na riyan si Rabiya.

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with