^

Pang Movies

Vina, noon pa pinagdasal ang makahanap ng tamang lalaki  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Vina, noon pa pinagdasal ang makahanap ng tamang lalaki             
Vina

Hindi kulay blue ang Christmas ni Vina Morales dahil naging open na siya sa kanyang relasyon sa boyfriend na si Andrew Kovalcin.

Nakilala niya si Andrew 21 years ago sa Hawaii at muli silang pinagtagpo ng tadhana noong magkaroon si Vina ng show sa Miami, Florida last year. Magkasama nga silang dalawa sa huling bakasyon ni Vina sa US pagkatapos ng kanyang one-month stint on Broadway sa musical na Here Lies Love.

“Andrew is very supportive for what’s happening in my life. Ever since nandoon na siya, he’s been supporting me. Nagkaroon lang ng gap years na we didn’t really communicate. We didn’t see each other for so many years. Wala pa akong anak. When we reunited last year nung nag-concert ulit ako, doon na bumalik ‘yung spark. Nakakatuwa lang isipin na may ganun pala, ‘yun ang istorya ko with him,” sey ni Vina.

Inamin din ng 48-year old singer-actress na noon pa niya pinagdarasal na mahanap niya ang lalaking makakasama niya sa pagtanda niya.

“I always pray for a good husband. You know it doesn’t have to be the person that I am with now but I’ve been praying for that for so many years, natagalan lang. Sabi ko, ang tagal naman ni Lord magbigay. Maybe I wasn’t the best for that person kaya siguro it took a while. So hindi ko pa rin alam kung talagang ‘yon ang makaka­tuluyan ko. We will never know, only God knows.”

Anna Liza director na si Gil Soriano, pumanaw

Pumanaw na ang director ng isa sa kauna-unahang soap drama sa Philippine television na Anna Liza na si Direk Hermenegildo “Gil” Soriano. Ang anak ni Direk Gil na si Gia Soriano ang nagkumpirma nito noong nakaraang Dec. 6 sa social media.

“Hello, it took me a while to write about this, but my father – Director Hermenegildo “Gil” Soriano – passed away. He wasn’t doing well already back in September, and was in critical condition around October - November. Still, we hope to make his last moments a time for him to be remembered for his contributions to the entertainment industry.”

Naging sikat na TV show sa GMA 7 noong 1980 hanggang 1985 ang Anna Liza na pinagbidahan noon ng award-winning child actress na si Julie Vega. Naging bahagi rin ng naturang shows sina Gloria Romero, Robert Arevalo, Daria Ramirez, Augusto Victa, Alicia Alonzo, Albert Martinez, Rey “PJ” Abellana, Leni Santos, Renato del Prado, Marissa Delgado, Delia Razon at Anita Linda.

Nagkaroon ng remake ang Anna Liza noong 2013 sa ABS-CBN na pinagbidahan nina Andrea Brillantes at Kyline Alcantara. Si Direk Gil din ang nagdirek ng ABS-CBN soap drama na Anna Luna (1989-1994) na bida si Margarita Fuentes at ang noontime variety show ng RPN-9 na Chibugan Na.

vuukle comment

VINA MORALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with