^

Pang Movies

PBBM, pinangunahan ang pag-unveil ng commemorative stamps ng 75th Diamond Jubilee ng Ormoc

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
PBBM, pinangunahan ang pag-unveil ng commemorative stamps ng 75th Diamond Jubilee ng Ormoc
PBBM, Lucy at Richard

Ang lakas ng palakpakan ng Ormoca­nons kay Lara Maigue nang mag-perform ito sa highlight Diamond Jubilee Year Celebration ng Ormoc City kahapon na ginanap sa Ormoc Superdome.

Ang husay naman kasi talaga ni Lara.

Classical singer siya kaya bagay na bagay sa selebrasyon ng 75th anniversary ng pinamumunuang lungsod ni Mayor Lucy Torres kahapon.

Naka-tatlong kanta si Lara at talagang tilian ang Ormocanons.

Bukod kay Lara napanood din ang El Gamma Penumbra kung saan ni-reenact nila ang Battle of Ormoc Bay.

Pagkatapos nilang mag-perform ay nagsalita si Mayor Lucy at ipinakilala si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ni DPWH Secretary Manuel M. Bonoan na naging highlight ng 75th Charter Day kahapon dito sa Ormoc.

Kasama ng presidente ang ilan pa niyang top government officials kabilang na si Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco at DILG Sec. Benjamin Abalos, US Ambassador to the Philippines, Her Excellency Marykay L. Carlson.

Bago nagsalita ang Presidente ay nagkaroon muna ng unveiling ng commemorative stamps ng 75th Diamond Jubilee Year ng City of Beautiful People.

Kasama rin ng Pangulo sa Ormoc kahapon sina Jeremy Barns, Museum and Cultural Agency director-general of the National Museum of the Philippines, Dr. Rene R. Escalante, chairperson of the National Historical Commission of the Philippines and National Commission on Culture and Arts; and Norman N. Fulgencio, postmaster-general and chief executive officer ng Philippine Postal Corporation.

Sinamantala ng Pangulo ang pagkakataon na paalalahanan ang Ormocanons na magpa-booster ang lahat dahil andyan pa rin ang pandemya.

Ang Ormoc ay pormal na pinasinayahan bilang isang Lungsod noong Oktubre 20, 1947, eksaktong tatlong taon pagkatapos ng Leyte Gulf Landings sa bisa ng Presidential Proclamation No. 42.

Kaya’t nanggaling na ang presidente at ang kanyang grupo sa Palo, Leyte bago pumunta ng Ormoc.

COMMEMORATIVE STAMPS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with