^

Pang Movies

Pauleen kinalimutan na ang diet!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Pauleen kinalimutan na ang diet!
Pauleen at Vic

Siguro dahil dina-diet ni Pauleen Luna Sotto si Talitha, Salve, kaya lahat ng food niya na sobra ang mommy niya kumakain.

Nanood ako ng Eat Bulaga at na-shock ako na very chubby na naman si Pauleen.

Ang cute naman ng silver hair ni Bossing Vic Sotto at naging kamukha siya si George Clooney.

Sabagay, talaga namang big bone si Pauleen, pero siguro dahil nga sa lockdown ay talagang hindi sila nakapag-diet at panay ang kain sa loob ng bahay, pero kitang-kita mo ang bliss of happiness sa mukha nina Vic at Pauleen, ‘yung contentment at closeness nila kay Talitha.

Hay naku, dahil best friends sina Pauleen at Ruby Rodriguez ay hindi malayo na maging magkapareho sila ng size, hah hah hah, lalo na pag hindi nag-ingat at nag-diet si Pauleen. Sure ako na papayat si Talitha, pero ang nanay niya ay chubby pa rin.

Hindi bale, ang ganda naman ng face, hah hah.

Love you, Pauleen.

Mga taga-Showbiz, nasa panic mode na

Panic mode ang lahat sa showbiz na naghihintay ng mga balita kung ano at kailan sisimulan ang kanilang projects.

Kung ano na nga ba ang nangyari sa mga nabalitang proyekto noon, ‘yung mga nagsimula na at ano na ang mangyayari sa mga bitin na palabas na naapektuhan ng pandemic ang tapings.

Lahat nagsasabi ng gustung-gusto na nilang magtrabaho, bumalik sa trabaho at sabik na mag-taping. Pero siyempre maingat pa ang lahat kaya wait muna, dagdagan pa ang patience.

vuukle comment

PAULEEN LUNA SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with