Amy Perez, capital NO sa pulitika
MANILA, Philippines — No to politics si Amy Perez. As in ayaw daw niyang maging komplikado ang kanyang buhay.
Aniya sa thanksgiving press conference ng TeleRadyo, panahon pa lang daw ng MTB (Magandang Tanghali Bayan) ay nakakatanggap na siya ng mga offer.
Pinatatakbo raw siyang konsehal, ganyan. Pero sabi nga niya “it’s a no. Masaya ang buhay natin. Ayoko ng complication. Pwede naman tayong tumulong kahit wala tayo sa posisyon,” katwiran pa ni Ms. Amy.
Samantala, aminado sina Ms. Amy at Ms. Winnie Cordero na magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman nila sa pagbabalik sa radyo – Radyo 630/TeleRadyo Serbisyo. Matagal-tagal din silang namahinga matapos ang shutdown ng ABS-CBN – kabilang sila sa mga libu-libong nawalan ng trabaho. At suwerte na nakabalik sila. “Masaya na mayroon ding pressure. Na nasa balikat naming lahat na nasa DWPM (Radyo 630) dahil siyempre, alam naman natin na hindi pa tuluyang nakakaahon ang programa, ang istasyon. So, alam namin na sundalo kami na sumusunod at ginagawa ang trabaho namin para sa ikauunlad ng lahat ng nasa DWPM. So, masaya dahil nakikita pa rin namin ‘yung mga dati naming katrabaho and at the same time, malungkot kasi alam naming nabawasan kami pero nandito pa rin kami, lumalaban. Sabi nga sa Korea, ‘fighting!’” pahayag ni Tyang Amy.
“So ‘yun ‘yung pakiramdam namin sa araw-araw. Na hindi namin nakakalimutan ‘yung mga taong una naming nakasama sa DZMM na ngayon ay hindi na namin kasama. Marami kaming natutunan sa kanila.”
Para naman kay Ms. Winnie, bittersweet din ang kanyang nararamdaman sa pagbabalik sa ere pero nahihirapan aniya siyang mag-adjust.
“Personally, nahirapan akong mag-adjust. Kasi, 1997 to 2021, hindi ba? DZMM forever. Actually, hanggang ngayon, I’m still hoping that the old DZMM will come back but then .... dispersed na kami. We still remember the past that put smiles on our faces all the time. Pero siyempre, katulad ng usad ng panahon eh thankful kami na kami’y narito pa, kami’y napili kasi hindi lahat napili. Sobrang grateful kami ni Amy doon at maipagpatuloy ‘yung mga nasimulan ng mga kasamahan namin noong araw pa,” paliwanag niya na kasabay ng pagiging emosyonal sa kanyang bagong public service program.
Sa kasalukuyan ay host si Amy ng Ako ‘To, Si Tyang Amy, isang public service program na naka-focus sa mental health. Napapakinggan ito tuwing Lunes, Martes at Huwebes, 3 p.m..
Si Ms. Winnie naman ay may dalawang programa sa DWPM, ang Tatak Serbisyo na isang public service program at umeere Mondays to Fridays at 10:30 a.m. at Win Today every Saturday at 10 a.m.
Bago pinasok ang radio broadcasting, parehong artista sina Amy at Winnie.
At para sa kanila iba ang fulfillment sa radio, kumpara sa paggawa ng TV shows at pelikula. Bagama’t aminado silang mas malaki ang kita sa pagiging artista kesa sa radyo : “Wala sa bulsa ang fulfillment, nasa puso,” pahabol ni Ms. Winnie na sinegundahan ni Ms. Amy.
Si Amy ay sa FM at sa AM si Winnie nag-umpisang magkapangalan sa radyo.
Piolo, tinapos ang pagiging public servant!
Sa huling media conference ng Ultimate Heartthrob at batikang aktor na si Piolo Pascual, para sa kapana-panabik na pagtatapos ng kanyang socio-political action-drama teleserye na Pamilya Sagrado sa ABS-CBN ngayong linggo, hindi naiwasang mapunta ang usapan sa pulitika. Kasama na rito ang kanyang pagganap bilang isang public servant sa top-rated primetime series, kung saan umabot pa ang kanyang karakter na Rafael Sagrado, sa pagiging presidente sa masalimuot na kwento. Pati na rin ang mga naglalakihang billboard ni Piolo sa kahabaan ng EDSA at iba pang pangunahing lansangan, na may mga mensahe para sa ikabubuti ng mga Pilipino kaakibat ang isang party-list ay napag-usapan din. Masayang sabi ni Piolo, “[Ang mga billboard na iyon], I’m in partnership with a party-list that I also supported last elections. Mayroon kaming mga proyekto na ginagawa magkasama – they help my foundation, and we visit different places to do outreach.”
Ang tinutukoy pala ni Piolo ay ang kanyang personal na charity organization, ang Hebreo Foundation, na matagal nang sumusuporta sa mga iskolar at may mga programang pang-mahirap na isinasagawa sa buong bansa.
At ang party-list na kanyang sinusuportahan naman ay ang Ang Probinsyano Party-list (APPL), na anim na taon nang isinusulong ang mga karapatan at kapakanan ng mga Pilipino sa mga malalayong lalawigan na kadalasang hindi naaabot ng mga serbisyo, oportunidad, at ayuda mula sa gobyerno.
Dagdag pa ni Piolo, naniniwala siyang tama ang kanyang desisyon na iendorso ang isang kandidato o grupo tulad ng APPL na tunay na nagtatrabaho nang tapat para sa kapakanan ng mga Pilipino. “So yeah, at the end of the day, you give hope in your own way, but you also give a chance to people who are running and really want to serve by helping them out.”
Saksi si Piolo sa kamakailang malakihang outreach ng APPL para sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine. Pinangunahan mismo ito ng batang-batang First Nominee ng party-list na si Cong. Alfred “Apid” delos Santos ang pamamahagi ng tulong sa humigit-kumulang 2,800 pamilya at 3,000 indibidwal na apektado sa buong Albay, kabilang na ang Legazpi City at Camaligan, Camarines Sur.
Ang pagwawakas ng Pamilya Sagrado ay mapapanood ngayong Biyernes, Nobyembre 15, sa ABS-CBN.
- Latest