Isah naka-40 days na!
Grabe, Salve A., how flitting life is. And how time flies.
Bukas, Wednesday, October 30, is exactly pala the 40th day na mula sumakabilang buhay ang ating dear friend and colleague na si Isah Red.
Oh, how I miss him, Salve A.
Galing ang reminder na ito kay Ian F (for Fariñas), entertainment editor ng People’s Tonight at sitting President ng SPEED (Society of Professional Entertainment Editors, na dati ring pinamahalaan for two years ni Isah.
A mass daw will be held in Isah’s honor on Wednesday.
Kaya attend tayo, Salve A. (Missing him everyday Tita E. – Salve A.)
Nida Blanca 18th death anniversary na, pumatay ‘di pa kilala
Sa November 7 naman ang 18th death anniversary ng aktres na si Nida Blanca.
Napakasaklap ng kamatayang naganap kay Nida, as she just came from a party, then, decided to pass by her office at the Atlanta Bldg. in San Juan, before proceeding home, when she was reportedly murdered.
Hanggang ngayon, walang nakakaalam kung sino ang pumatay sa kanya.
In any case, let’s pray, Salve A., for both Isah and Nida, plus all these who are no longer around, that their souls rest in peace.
Dalawang horror may salpukan sa Undas
Dalawang horror flicks ang magkasabay na ipapalabas on Wednesday. Ito’y ang One Home: Hellcome Home, pinangungunahan nina Beauty Gonzales, Raymund Bagatsing, Alyssa Muhlach at Dennis Trillo, among others at Santigwar, na ang mga nasa east naman ay ang mga young talents na sina Alexa Ilacad, Marlo Mortel, Marco Gallo, Paulo Angeles at Khean Johnson.
While tungkol sa two families living in the same house na tinu-torture ng mga elementong ‘di nila mawari kung ano ang Hellcome Home, ang Santigwar naman ay may kinalaman sa mga aswang na diumano’y kumakain ng tao.
Both films are horrifying. Meant talaga for viewers na mahilig sa mga horror film.
Na tamang-tama, since Halloween nga naman.
Hellcome Home is directed by Bobby Bonifacio, Jr. at the helm naman ng Santigwar si Joven Tan.
Unlisted nina Robi at Sue bagay sa mga traveler
Kung bakit “must” na panoorin ayon kina Robi Domingo at Sue Ramirez, host ng bagong travel show ang Unlisted na ngayon ay napapanood sa iWant.
Unang-una, mapapanood sa show ang mga unknown tourist spots na tiyak na ikamamangha ng viewers at ng sinumang pumunta dito.
At ang title, Unlisted, as the program first four episodes pa lamang gives viewers a picturesque views, halimbawa, of Escolta, Manila, Roxas City, Capiz, Basey Samar; plus Tanay, Taytay and Baras, all located lang in nearby Rizal.
Makikita nila ang overview ng places, stories, interesting and otherwise, ng mga locals kumbaga, pati mga respective legacies ng lugar at mga long-standing myths nito.
One get to have a taste ng mga local dishes at delicacies ng lugar, na pawang affordable.
Like Robi and Sue, too, posibleng ma-experience ng traveler ang mga simpleng trabahong pinagkakaabalahan ng mga native, tulad ng banig weaving, fishing and shopping under a budget, lalo na sa kilalang mga tiangge ng Taytay.
As Robi and Sue suggest: Visit the places and you will know what we mean.
Go tayo, Salve A. (Go tayo diyan tita. Hihihi. Ganda ng show in al fairness. – Salve)
Bianca at Sen. Win panalo sa isa’t isa
Mukha ngang it’s the real thing na, kumbaga, between Bianca Manalo at Senator Sherwin Gatchalian.
As it is, both panalo at win na sila sa kanilang respective surname pa lamang.
Maganda ang dating ni Senator Win sa kanyang mga constituent, dala nga ng mga panukala niya bilang mambabatas.
In the case of Bianca, mukhang “panalo” rin siya where her showbiz career is concerned. She continues to be a part of the cast ng top action series, FPJ’s Ang Probinsyano, which Coco Martin topbill.
Agaw-pansin siya sa kanyang performance bagong series ng Dreamscape Television Productions, Parasite Island, co-starring her naman with Rafael Rosell, Desiree del Valle, Bernard Palanca, Ria Atayde and Liza Lorena among others.
- Latest