Bossing ng network na lilipatan ni singer/actress, wala pang alam sa mangyayari!
Alam mo, Ateng Salve, tila nakikiramdam lang ang kanyang mga kasamahan sa isang singing competition show tungkol sa tsikang aalis na talaga sa kanilang TV network ang isang singer/actress.
Hindi pala siya tinatanong ng ibang mga kasamahan tungkol doon.
Siyempre, marami sa mga kasamahan ni singer/actress na alam talaga ang totoo tungkol sa balitang ‘yon, pero mas gusto nilang tahimik lang.
In fairness, kahit nga ‘yung isang male singer na kasama nila sa show na ‘yon, kapag tinatanong ng entertainment press ay sinasabing hindi nga niya tinatanong si singer/actress.
Naaliw nga pala ako sa isang taga-corporate communications depart ng top TV network na sinasabing lilipatan ni singer/actress dahil nagtanong ito sa akin kung kailan daw ba mangyayari ‘yon?
Mismong ang mga taga-top TV network pala na sinasabing lilipatan daw ni singer/actress ay hindi pa pala sure kung totoo ang balitang ‘yon, huh!
Martin guest sa concert ni Regine?!
May nai-post sa social media na video nina Martin Nievera at Regine Velasquez-Alcasid habang nagre-rehearse kasama ang orchestra.
May nagtanong tuloy – magge-guest ba si Martin sa Regine at the Movies concert?
Ang sagot ay hindi!
Para sa isang corporate event ‘yon na magkasama sina Martin at Regine at bukas na raw magaganap ‘yon (depende raw kung walang malakas na bagyo).
Actually, marami namang corporate shows na nagkakasama sina Martin at Regine.
Anyway, speaking of Regine at the Movies, sa November 17 & 24 na ‘yon magaganap sa KIA Theater at nagsimula na silang magbenta ng tickets.
‘Yung VIP tickets nga raw, ang bilis nabili.
Kung tama ‘yung nakatsikahan ko na malapit kay Regine, iilan na lang VIP tickets (P6,000 ang SVIP at P5,000 ang VIP).
Si Paolo Valenciano ang stage director ng concert at ang brother-in-law naman niya na si Raymond Mitra ang musical director.
Pokwang tinalakan ang Meralco
Mukhang naging abala si Pokwang sa pagpo-promote ng Sol Searching, ang movie niya na kasali sa isang on-going film festival ngayon, kaya naman nakalimutan niyang bayaran kaagad ang kanilang Meralco bill.
Ang ending, naputulan sila ng kuryente, huh!
Sabi ni Pokwang, kayang-kaya naman daw niyang bayaran ang Meralco bill and in fact, nabayaran na niya an hour before siya pinutulan!
Sa Twitter post nga ni Pokwang, na-“letse kayo!” niya ang mga taga-Meralco dahil nga sa pagputol sa kanilang kuryente.
Naku, Ateng Salve, kaya ako, kahit hindi ko natatanggap ang Meralco bill ko kung minsan dahil hindi iniaabot ng security guard ng building kung saan ako nakatira, kusa ko na lang binabayaran ‘yon dahil hawak ko naman ang account number.
Ang mahirap sa lahat ay ‘yung maputulan ka ng kuryente at tubig, huh!
- Latest