Jennylyn may gagawing transformation
Last Monday, April 10 ay pumirma ng kontrata ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado sa Reality Entertainment ni Dondon Monteverde para sa bagong pelikulang gagawin niya sa nasabing produksyon na ididirihe ni Erik Matti.
Nag-post si Jen ng larawan nila nina Dondon, Direk Erik at manager na si Katrina Aguila during the contract signing at sa caption, she wrote, “My first movie for the year, and first time working with Reality Entertainment on a genre na first time ko ring gagawin. I hope you share the excitement for #JennylynRealityMovie coming soon.”
Ang isa pang manager niyang si Becky Aguila ay nag-post din sa kanyang Facebook account ng congratulatory message para sa alaga.
“Thank you very much Dondon Monteverde and Direk Erik Matti for this project. We are all looking forward to see Jen Mercado’s transformation in the film. This will be the first time she will do something like this. Super exciting!!! #JennylynRealityMovie,” post ni Tita Becky.
Sa text message naman ni Tita Becky sa amin, sinabi niyang hindi pa raw puwedeng isulat ang mga detalye tungkol sa pelikula at ang masasabi pa lang niya for now ay may transformation daw si Jen sa pelikula na untitled pa at first time niya raw gagawin ito kaya kaabang-abang talaga.
“Excited si Jen. Nabasa na niya ang script and looking forward na siya sa transformation na gagawin ni Direk Erik,” text ni Tita Becky.
This is Jen’s first movie for this year. Ang huli niyang pelikula ay last year, ang Just The 3 of Us with John Lloyd Cruz. Magsisimula nang mag-shoot ang Ultimate Star this May 27.
Bukod sa new movie, malapit na ring iere ang highly anticipated Pinoy version ng My Love From The Stars na pinagbibidahan niya at ng newbie hot actor na si Gil Cuerva.
May new endorsements din ang aktres, ang Jinju Facial Whitening soap and Blair Lipstick. Nakatakda naman siyang mag-renew ng Tough Mama endorsement niya.
Kris ayaw na raw uling magpagamit
Nagsalita na si Kris Aquino tungkol sa pagkaka-link niya sa Councilor ng Nueva Ecija na si Renan Morales, anak ng producer ng Trip ni Kris special show niya na umere sa GMA-7 last Sunday.
Sa exclusive interview ni Ms. Joan Maglipon ng PEP (Philippine Entertainment Portal), diretsong sinabi ni Kris na walang katotohanan ang tsismis.
Ayon pa sa report ng PEP, nagpahayag daw ng pagkadismaya si Kris sa mga nangyari sa transaksyon nila at isa na raw rito ay ang pagkaka-delay ng bayad.
Bukod pa rito, nagkaroon pa ng tsismis tungkol sa kanila ni Renan na ang feeling ni Kris ay nagamit siya nang bonggang-bongga.
“Okay, super nagamit ako because the son wants to be vice-governor of Nueva Ecija,” ang pahayag ni Kris sa panayam ni Ms. Joan.
Deretsahan pang wika ni Kris, “super use-me-in-a-sentence talaga ang nangyari” na ang ibig sabihin ay nagamit siya.
Ayon pa kay Kris, wala raw siyang dine-date ngayon at nagpalit daw siya ng number dahil na-turn-off siya.
“That’s why I changed my number. Kasi, sabi ko, ayaw ko nang makausap. Kasi na-turn off talaga ako,” sey pa ni Kris sa panayam.
Dagdag pa niya, “yes, na-yuck talaga ako. Talagang, oh my god, first and last!”
‘Yun na! Ano naman kaya ang masasabi ng producer na si Tita Doray at ang anak niyang si Renan tungkol dito?
- Latest