^

Pang Movies

Bossing Vic nanganganib maagaw kay Pauleen ni Patricia!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi shocking kung imbyerna si Pauleen Luna sa mga sinabi ko kahapon sa Startalk tungkol sa love affair nila ni Vic Sotto.

Nagsalita kasi ako na dapat nang magpakasal ang dalawa para hindi na maagaw si Bossing kay Pauleen ng ibang babae dahil sa pagsulpot ni Yaya Dub sa Eat Bulaga.

Pero kinontra ni Papa Joey de Leon ang sinabi ko dahil mahirap matibag ang AlDub loveteam.

Kung hindi si Yaya Dub, sino? May nagbanggit sa pangalan ng Eat Bulaga happy birthday girl na si Patricia Tumulak na seksi at maganda. Ang tipo ni Patricia ang nagpapabilis ng tibok ng puso ng mga mhin dahil sobrang lakas ng kanyang sex appeal.

Sharon nagpasalamat sa pagbisita ni KC

Nakalabas na ng ospital si Sharon Cuneta na limang araw na na-confine dahil sa ubo na epekto ng fungal affection.

Hindi nag-iisa si Sharon. Usong-uso ngayon ang sakit dahil sa pabago-bago na lagay ng panahon. Hindi lang si Sharon ang biktima ng pesteng ahem dahil marami akong kakilala na hindi mawala-wala ang ubo.

Nagpasalamat si Sharon sa kanyang anak na si KC Concepcion dahil sa dalawang beses na pagdalaw nito sa ospital.

Ang pagbisita ni KC kay Sharon ang patunay na walang katotohanan ang mga tsismis na may misunderstanding ang mag-ina.

Aiko naiirita na sa stepmother na si Deborah

Magkaiba ang mga statement nina Deborah Sun at Aiko Melendez tungkol kay Jam Melendez.

Nag-deny si Deborah na drug addict ang anak niya sa yumaong aktor na si Jimi Melendez, ang tatay ni Aiko.

Ang sey ni Deborah, damo o marijuana lamang ang ginagamit ng kanyang anak.

Iba ang version ni Aiko tungkol sa half-brother niya. Mismong si Deborah umano ang nagsabi sa kanya na lulong sa ipinagbabawal na gamot ang half-brother niya na pinabulaanan naman ng una.

Between Aiko and Deborah, mas believable ang pahayag ni Aiko dahil capable si Deborah na pagtakpan ang mga pagkakamali ni Jam, kesehodang sinapak siya sa mukha ng sariling anak.

Agree ako sa desisyon ni Aiko na ipasok sa rehabilitation center ang kapatid dahil wala na ito sa wastong pag-iisip. Tulong at hindi awa ang kailangan ni Jam para gumaling ito at bumalik sa normal ang buhay niya. Si Jam lang ang puwedeng makatulong sa sarili niya.

May reason si Aiko na matakot na humarap kay Jam dahil nagawa nito na saktan ang sariling ina.

Tama naman ang sinabi ni Aiko na kung nasak­tan ni Jam ang nanay nito, siya pa kaya na kapatid lang?

Si Deborah lang ang humarap at nagpainterbyu sa Startalk staff kaya walang nakakaalam sa itsura ngayon ni Jam.

Dalawang beses na nagpaunlak na magsalita si Deborah sa Startalk. May mga moment na mahirap intindihin ang mga sinasabi ni Deborah dahil nabubulol siya.

Malaki ang pasa sa  mukha ni Deborah sa unang panayam sa kanya ng Startalk pero sa second interview, fully made up si Deborah kaya walang makapaniwala na naghihirap siya sa buhay. Talagang nag-effort si Deborah na magpa-blower ng buhok at maglagay ng make up.

I’m sure, nairita si Aiko sa sinabi ni Deborah na feel na feel nito na hindi siya gusto ng kanyang stepdaughter.

Nakakalungkot ang mga nangyari sa buhay ng mag-inang Deborah at Jam. Hindi ko nalilimutan na dinalaw ako ni Deborah sa hotel na tinuluyan ko nang magpunta ako sa New York noong 1999. Kung hindi siguro bumalik ng Pilipinas si Deborah, baka maayos pa ang pamumuhay niya sa New York

vuukle comment

AIKO

ANG

DAHIL

DEBORAH

EAT BULAGA

HINDI

JAM

MGA

NEW YORK

STARTALK

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with