^

Pang Movies

Kahit barya-barya lang ang puhunan, Ekstra pasok sa New York Filmfest!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Natatandaan lang namin, matagal na panahon na ang nakaraan, nagkukuwentuhan kami ng manunulat na si Estrella Alfon sa kanyang opisina sa National Press Club (NPC). Kararating lang niya noon mula sa isang biyahe sa U.S. Nagkukuwento siya sa amin tungkol sa New York International Television and Film Festival. Kinumbida kasi siyang magpunta roon bilang observer.

Nasabi sa amin ni Mommy Alfon, sa mga nakita raw niyang pelikula at TV shows na isinasali sa New York Television and Film Festival, inggit na inggit siya dahil mukhang napakalayo pa natin talaga. Noong panahong iyon, milyon na ang gastos ng mga Kano sa TV shows lamang, samantalang tayo tumatapos ng isang pelikula sa halagang P1.5-M lang.

Ngayon, nakakapantay na tayo sa pamantayan ng mundo. In fact, labintatlong TV shows mula sa Pilipinas ang nag-qualify sa competition sa New York International Television and Film Festival.

Pero iisang pelikula lamang ang nakapasok, ang Ekstra ni Vilma Santos. Masasabing matindi ‘yan dahil New York International Television and Film Festival na iyan, hindi ‘yan kagaya ng mga hotoy-hotoy na film festivals. Iyon lamang makasali ka riyan mula sa napakaraming pelikula na ginagawa sa buong mundo, aba eh panalo ka na. Kung iisipin mo na ang puhunan diyan sa Ekstra ay tatlong milyong piso lamang, aba hahanga kang ang isang pelikulang ang puhunan ay barya lamang sa mga kalaban niya, nakapasok pa.

Ang punto namin, maaari naman palang gumawa ng isang matinong pelikula na kikita pa, at makakapasok pa sa mga international competition, bakit hindi ganoon ang gawin natin? Huwag namang masyadong baratan. Iyang Ekstra, kaya lang naman nila natapos sa ganoon kaliit ang budget, hindi kasi tumanggap ng talent fee si Vilma Santos. Iyong ibang artistang guests, pinakiusapan lang ni Ate Vi at binigyan lang yata ng regalo. Kung makagagawa naman tayo ng maayos na pelikula, na hindi naman masyadong baratan para pumayag ang mga matitinong artista, bakit hindi natin gawin iyon?

Bakit tayo gumagawa ng mga pelikulang talaga namang walang ka-art-art, at ginawang madalian basta kumita lang.

Bakit din naman tayo gumagawa ng mga pelikulang “sobrang art” na hindi na maintindihan ng mga Pilipino kaya hindi kumikita?

Alma hindi na dapat magtaka sa kinahinatnan ng buhay

Valid nga siguro ang reklamo ni Alma Concepcion laban sa ama ng kanyang anak na si Dody Puno dahil itinigil na raw noon ang sustento sa kanyang anak simula pa noong July last year. Ang alegasyon ni Alma, nagpakasal na kasi si Dody sa ibang babae, pero hindi katwiran iyon para itigil ang sustento sa kanilang anak na si Coby.

Pero bago sila magpunta sa ano pa mang conclusions, kami na ang magsasabi, kilala namin nang personal si Dody, at ang alam namin mabuting tao iyan. Ang tatay niyan ay si Justice Ricardo Puno. Kapatid nina Dong Puno at Secretary Ronnie Puno. May kapatid pa iyang abogado at singer, si Rene Puno na nakasama sa News Minstrels noon.

Hindi natin alam ang dahilan kung bakit nangyari ang reklamong ‘yan ni Alma. Pero siguro naman, sa simula pa lang ng relasyon nila noon, alam niyang maaaring mangyari ang ganyan. Bago si Alma, alam naman niya na may asawa noon si Dody na kapatid ng isang international beauty queen. Ang sa amin, pumasok ka sa ganyang relasyon, alam mo kung ano ang maaaring kahinatnan niyan.

Hindi ka na dapat pang nagtataka.

ALMA CONCEPCION

ATE VI

DODY

LANG

NEW YORK INTERNATIONAL TELEVISION AND FILM FESTIVAL

PERO

VILMA SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with