^

Pang Movies

Aktor lumalabas ang kabobohan ‘pag tungkol sa ex ang pinag-uusapan

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Confirmed na bobito ang aktor na nagkuwento tungkol sa kanyang past relationships.

Nabuko na ungentleman ang aktor dahil sa mga pahayag niya tungkol sa kanyang mga ex-dyowa.

Hindi talaga dapat pinapayagan na magpainterbyu ang aktor dahil nagkakalat siya. Imbes na makatulong, nakakasira sa kanya at sa career niya ang mga senseless statement na hindi pinag-iisipan. Arya lang siya nang arya! Kaloka ang bobitong aktor ‘ha?

Erwan alam na alam ang French Kiss

Bampira pala ang role ni Anne Curtis sa Blood Ransom, ang Hollywood movie na pinagkaabalahan niya habang busy siya noon sa taping ng Dyesebel at sa paghahanda sa kanyang major concert sa Smart Araneta Coliseum.

Nag-join si Anne sa auditions ng Blood Ransom bago niya nakuha ang lead role.

Nang mabasa ni Anne ang script at habang ginagawa ang pelikula sa US, walang-wala sa kanyang isip na bampira ang karakter na ginagampanan niya.

Ayaw sabihin ni Anne na horror movie ang Blood Ransom dahil suspense-thriller daw ang kanyang first Hollywood movie na showing sa local theaters sa October 29.

Hindi naman siguro magseselos ang boyfriend ni Anne na si Erwan Heussaff kapag nalaman nito na hindi simple ang kissing scene ng kanyang dyowa sa Hollywood actor na si Alexander Dreymon.

Matindi ang halikan nina Alexander at Anne sa Blood Ransom dahil French kiss kung French kiss ang ginawa nila.

May French blood si Erwan at siguradong maiintindihan niya na bahagi lamang ng trabaho ni Anne ang pakikipaghalikan nito kay ­Alexander.

At bilang half-French si Erwan, tiyak na sapat ang kaalaman niya tungkol sa French kiss.

Gutierrez familu may mall show

May mall show bukas nang hapon sa Eastwood City ang Gutierrez family dahil ipo-promote nila ang second week sa E! ng kanilang rea­lity show, ang It Takes Gutz to be a Gutierrez.

Ang E! ang sponsor ng mall show na dadaluhan ng lahat ng mga miyembro ng Gutierrez.

Happy ang E! sa mga positive feedback sa It Takes Gutz to be a Gutierrez. Hindi raw sila nagkamali na gawin na 10-episodes ang pinag-uusapan na reality show ng pamilya nina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez.

Amy 15 years ang hinintay bago naayos ang annulment

The Journey Continues ang theme ng upcoming wedding nina Amy Perez at Carlo Castillo.

Hindi pa nagbibigay ng kumpletong detalye ang dalawa tungkol sa kanilang nalalapit na pagpapakasal. Fifteen years ang ipinaghintay ni Amy para maging bride siya uli. Ang akala niya, hindi na siya mabibigyan ng second chance dahil nagkaroon ng problema sa annulment ng kasal nila noon ni Brix Ferraris.

Sa tuwing tinatanong si Amy tungkol sa kanyang ex-dyowa, sumasagot siya ng hindi niya alam ang panig ng earth na kinaroroonan ni Brix na matagal nang missing in action.

Masuwerte si Amy dahil nakatagpo siya ng mhin na magmamahal sa kanya ng wagas at forever, ang radio reporter na si Carlo na nakasama niya noon sa radio station ng dzMM.

Sandaling nagkasama sa TV5 sina Carlo at Amy hanggang bumalik ito sa ABS-CBN.

Sina Amy at Carlo ang karagdagan sa listahan  ng mga showbiz couple na lalagay sa tahimik ngayong 2014 at sa susunod na taon. Ano ba ang meron sa 2014 at 2015? Bakit ang dami-daming nagpapakasal na mga artista?

AMY

AMY PEREZ

ANG E

BLOOD RANSOM

ERWAN

IT TAKES GUTZ

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with