Jennylyn iiwan ang anak, isang buwan sa UK!
May show si Jennylyn Mercado sa United Kingdom sa September, at siyempre, thankful siya for this blessing pero at the same time, ay malungkot siya dahil maiiwan niya ang kanyang kaisa-isang anak na si Alex Jazz.
Halos buong September daw siyang mawawala kaya hindi niya raw ma-imagine na mahihiwalay sa kanya ang anak nang ganu’n katagal.
Nang huling makausap namin si Jen, gusto niya sanang isama si Jazz at gusto niyang ayusin ang papers nito, pero the latest we heard, ay mukhang hindi na raw makakasama ang bagets.
Ang adoptive mother ni Jen na si Mommy Lydia ang makakasama niya at parang bonding na rin daw nila itong mag-ina.
First time ni Jen mag-travel sa UK kaya excited siya pero mas happy sana siya kung maisasama niya lang si Jazz.
Anyway, sa ngayon ay busy si Jen na tapusin ang kanyang album under GMA Records. Sa huling post niya sa Instagram, aniya ay last 2 songs na raw ang kanyang inire-record.
Sa August na kasi ang launching nito.
May bago na ring serye si Jen after Rhodora X pero mga bandang Oktubre pa raw ang airing nito since aalis naman siya ng September.
Love scene nina Allen at Jean bitin
Hindi nagpatalbog si Jean Garcia sa indie film na Kamkam (Greed) under Heaven’s Best Entertainment Productions dahil may love scene din siya with Allen Dizon.
‘Yun nga lang, very tame lang ito compared sa love scenes ni Allen with Jackie Rice, pero dahil bihira naman nating makita si Jean sa mga ganitong eksena, siyempre ay lumikha pa rin ng atensyon.
Napanood namin ang kabuuan ng pelikula sa successful premiere night na idinaos last Sunday night sa The Block ng SM North na dinaluhan ng major cast tulad nina Jean, Allen, Jackie, Sunshine Dizon, Jim Pebanco along with the director, Joel Lamangan.
Biniro nga namin si Jean after the screening na bitin ang kanyang love scene at aniya, “Naku talagang hindi lang ako nakatanggi kay Direk Joel. Kasi, siyempre, first wife ako, alangan namang walang love scene.’
Sa totoo lang, nagustuhan namin ang movie. Reyalidad ng buhay ang ipinakikita ng Kamkam at habang nanonood ka, sa bawat eksena ay talagang masasabi mong nangyayari talaga ito sa totoong buhay.
Aliw na aliw kami sa karakter ni Sunshine as the second wife na later ay naakit sa charismatic activities kaya gusto nang hiwalayan si Allen. Kaswal na kaswal ang acting niya pero nagtatawanan ang mga tao sa sinehan lalo na ‘pag ipinakikita siyang nagdadasal at nagde-deliver ng mga linya niya tungkol sa Diyos.
Agaw-eksena naman ang role ni Jim bilang gay na wagas ang pagmamahal kay Allen. Very effective ang pagkakaganap niya at mas mahaba pa ang exposure niya sa tatlong aktres, huh!
Of course, hindi na rin dapat tawaran ang performance ni Allen na never namang pumalya sa bawat role na ipinagkakaloob sa kanya sa mga naging pelikula niya.
Showing na sa July 9 ang Kamkam, in selected theaters nationwide. Kasama rin sa movie sina Elizabeth Oropesa, Emilio Garcia, Kerbie Zamora, Lucho Ayala, Joyce Ching, Hiro Magalona, Athena Bautista, and Zeke Sarmenta.
- Latest