Robin kumakatok kay P-Noy para kay Nora Aunor!
MANILA, Philippines - Idinipensa ni Robin Padilla sa kanyang Instagram account si Nora Aunor na muling nabigong gawaran ng parangal bilang National Artist sa laÂrangan ng pelikula.
“Ako ay hindi makapaniwala sa balita kahapon. Sa unang pagkakataon ay may dumating sa Industriya ng Pelikulang Pilipino at ng Sining na hindi ko nabasa at napagnilay-nilayan. Isang napakalaking kalungkutan ito para sa ating mga Pilipino sapagkat ang kuko ng pulitika ay gumagapang at bumabaÂngon at bumabaon hanggang sa mga taong dapat ay kilalanin at hindi nadadamay sa pag-uusig.
“Ako’y kumakatok sa puso at pangangatwiran ng aking Pangulo, kagalang-galang na Ginoong Aquino, marahil po ay muling may pagkukulang ang mga nakatalagang hanay, hurado at komisyon sa pagbibigay sa inyo ng impormasyon kung sino at ano si Ginang Nora Aunor sa ating Sining, Kultura, at tradisyon bilang Pilipino.
“Isa siyang kabanata sa kasaysayan ng Inang BaÂyan Pilipinas. Siya ang nag-iisang inspirasyon ng katutubong Pilipino. Siya ang simbolo ng Isang PaÂngarap. Siya ang mukha ng ipinanganak na Talino, Sipag, Husay, Tiyaga, Pagtitiyaga, Paghihikahos, Pagsubok, at Tagumpay.
“Siya ang naging lakas ng mga nakararaming mahirap na Pilipino. Siya ang nagbigay ng sariling kumpiyansa sa lahing kayumanggi at katulad nina Gat Jose Rizal, ni Felix Hidalgo at ni Juan Luna, ang mga gawa at obra ni Ginang Nora Aunor ay kinilala at binigyan ng parangal, hindi lamang sa Asya kundi pati sa Europa, kung saan ang sining ay progresibo at malaya.
“Ilang dekada na bitbit ni Nora Aunor ang bandila ng Pilipinas at hanggang ngayon ay winawagayway pa rin niya ito sa mukha ng dambuhalang Dayuhan. Lahat ng katangian para kilalanin ang kanyang kabayanihan sa larangan ng Sining at Pagka-Pilipino ay umaapaw at sumasabog. Walang nakikitang dahilan ang Katipunan upang siya ay maisangtabi.
“Let us learn how to give glory to those who earned it, when they are still strong and alive. Politics and Propaganda has no place in Arts and Culture. Let the peaceful revolution of the great Nora Aunor continue.
“Her life spells, Hope, her art spells Alive, her culture spells Filipino and her name spells HER*O*INE.â€
‘Wala namang perfect na family - Ruffa
Pinagsabihan ni Ruffa Gutierrez ang mga nakisawsaw sa isyu sa mother ni Sarah Lahbati na si Esther na huwag nang palakihin pa ang pag-i-emote nito sa nakaraang binyag ng pamangkin niyang si Zion.
“Wala namang perfect na family. Lahat may mga arguments at misunderstandings. Hindi kami exception sa ganooong pangyayari. Hayaan niyo aayusin namin ang nangyari!†more or less na sabi ni Rufing nang makorner ng Bandila.
Ipinagtanggol din ni Rufing ang kanyang inang si Annabelle Rama. Ayon sa kanya, walang intension ang kanyang mommy nang sabihin ‘yon sa mommy ni Sarah.
“Basta ang sinisiguro ko, walang trinatong parang aso si Mommy!†diin ng TV host-actress.
- Latest