^

Pang Movies

Jake at GF grabeng maglampungan

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nag-trending topic ang mga intimate photos nina Jake Cuenca at Chanel Olive Thomas sa social media kamakailan dahil sa sobrang init ng kanilang pagmamahalan. Half-Filipino, half-Australian si Chanel at kahawig daw ni Jessy Mendiola na niligawan ni Jake noong ginagawa pa nila ang teleseryeng Maria Mercedes.

Gaano katotoo na kaya raw niya niligawan si Chanel dahil hawig ito kay Jessy. “Kung kahawig lang siya ni Jessy, e ‘di siya na lang ang ginawa kong girlfriend,” sabi ni Jake sa interview sa kanya.  “Si Chanel is entirely different from Jessy, miles apart. Saka ‘yung sa amin ni Chanel talagang love ‘yon.”

Wala pang kumpirmasyon kung pakakasalan na ni Jake si Chanel.  “Nasa stage pa kami ng getting to know each other,” sabi ni Jake.

Dina binuko ang tunay na kulay ni Vic

Feeling ni Dina Bonnevie, hindi pakakasalan ni Vic Sotto si Pauleen Luna.  “Kasi may mga lalaking talagang not the marrying kind, hindi pang-marriage material.  Nag-i-enjoy lang silang binata at nanliligaw gaya ng ex-husband ko. E ‘di ba, nagka-anak na siya ng dalawa sa magkaibang babae, pinakasalan ba niya ni isa sa kanila?  Saka si Pauleen, masyadong bata pa. ‘Pag nagsama sila at nag-matured siya, she will definitely get bored, maa-outgrow niya ang marriage niya while her husband wants to stay at home only.

Bata pa si Paulen at hindi ko ma-imagine na papatol siya sa isang 60 years old na gaya ni Vic.  Pero bilib ako sa effort niya.  Two years na sila ni Vic at hindi pa siya iniiwan nito.  Siguro love nga ang namamagitan sa kanila.”         

 

CHANEL

CHANEL OLIVE THOMAS

DINA BONNEVIE

JAKE CUENCA

JESSY

JESSY MENDIOLA

MARIA MERCEDES

PAULEEN LUNA

SAKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with