^

Pang Movies

Sa sobrang taas ng TF laos naman male singer hindi pinapatos ng mga produ sa US

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Ang mataas na talent fee ng male singer na ito ang dahilan kung bakit hindi na siya makakuha ng bookings sa ibang bansa.

Ayon sa aming source na kilala ang kinuhang agent ng male singer, na hirap itong makakuha ng bookings para sa kanyang clie­nt dahil sa taas nang sinisingil nitong ta­lent fee.

Hindi na nga raw nagpapatong ang naturang agent dahil sobrang taas na ang original na talent fee ng male singer. Kung gusto niyang kumita sa male singer, ang sales na lang ng tickets nito ang kanyang kinukunan ng porsiyento.

Kaso nga lang, tatlong shows na raw ang tumang­gi sa male singer. Masyado raw overpriced ito para sa isang “old singer” at magbabayad na lang daw sila sa mga baguhan na hindi pa mataas ang talent fee, makakahatak pa ng younger and fresher crowd.

Kaya ang male singer, problemado dahil wala ngang kumukuha na sa kan­ya at masyadong mataas ang pride nitong magbaba ng presyo niya.

“Kung hindi siya mag-lower ng kanyang fee, wala siyang makukuhang work talaga.

“With the bad economy sa U.S. nga­yon, masuwerte ang iba na naka­kakuha ng bookings at pinapasok ang shows nila. Kasi nagbababa sila ng price nila.

“Eh itong si male singer, akala niya he’s still hot stuff in the U.S. Eh ang mga show producers nga­yon, mga bata na ang priority. ‘Yung iba hindi na siya kilala. Regarded na siya as old-timer na sa standards nila.”

Inabisuhan na ng agent si male singer na mag-concentrate na lang siya sa Pilipinas dahil dito raw ay may mga napapaikot pa siyang producers.

Sa U.S. daw ay hindi na siya kakagatin unless ka-level niya ang mga datihang singers doon na kilala ng marami at willing maglabas ng pera to watch their show.

 

AYON

INABISUHAN

KASI

KASO

MALE

SA U

SHY

SINGER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with