Parati namang late: Pagtutuos uli nina Pacquiao at Bradley tatapatan ng pelikula nina Kathniel at Sarah/John Lloyd
MANILA, Philippines - Pagtutulungan ng love team nina Kathryn Bernardo-Daniel Padilla at Sarah Geronimo-John Lloyd Cruz si Manny Pacquiao sa laban niya kay Timothy Bradley ngayong tanghali pagdating sa ratings.
Eh, kaabang-abang kasi ang labanan ng dalawang premyadong boksingero lalo na sa ating Pambansang Kamao na tinalo ni Bradley via split decision. Naging kontrobersiyal ang panalo na ito ni Bradley kaya naman inaasam ng mga tagahanga ni Pacquiao na matatalo niya ito kung hindi man mapabagsak.
Alas nuwebe y medya ng umaga pa lang, isasalang na ang tambalang Kathniel sa una nilang pagsasama sa movie. Kasunod nito ang It Takes A Man And A Woman nina Lloydie sa Sarah G. For sure, after lunch pa ang boxing event.
Siyempre pa, ang apektado sa pangÂyayari ngayong tanghali ay ang mga staff, crew at stars ng ASAP 19 at Sunday All Stars dahil preempted ang episode nito kaya nganga pagdating ng suweldo! Kalungkot naman!
Senior actress may tama na!
Nasaksihan ng mga kasama sa trabaho ang pagiging aning-aning (lukring) ng isang senior actress nang maimbitahan siya sa isang progÂrama. Akala ng lahat ay normal lang ang dating ng SA dahil wala naman siyang track record sa pagiging lukring niya, huh!
Pero nagkamali ang lahat nang lumutang ang kabaliwan ng aktres sa mga pakikipag-usap sa kanya. Walang direksyon ang sinasabi niya at walang koneksiyon sa trabaho ang pinagsasasabi, huh!
Maayos naman ang SA pagdating sa trabaho. ‘Yun nga lang, hindi siya matagalang kausapin ng mga artista at staff, huh!
Parati namang late: Batikang aktor masyadong ‘matalino,’ magaganap sa serye inuunahan na
Sakit ng ulo kung minsan daw ang isang senior actor sa isang on-going series. Dumadalas daw kasi ang pagdating niya sa set ng sobrang late sa call time kaya naman ang mga eksenang dapat na kukunan tuwing umaga ay nadi-delay.
Eh, may tsismis din kasing aning-aning ang aktor. May mga moment din siya na sa set pa lang nagbabasa ng script kahit ibinigay na ito the day before taping.
Ang isa pang ikinawiwindang ng staff, masyadong advance ang utak ng aktor na hindi pa nga nasusulat ang istorya sa susunod na episodes, meron na siyang sinasabi sa magaganap sa kuwento ng series, huh!
Matatapos na rin naman ang series kaya iniiksian na lang ng writer ang eksena ng senior actor nang sa gayun, dumating man siya nang late sa taping ay may mga eksena na silang nakukunan, huh!
Batikang aktor masyadong ‘matalino,’ magaganap sa serye inuunahan na

- Latest