^

Pang Movies

Robin bilib sa ‘rebolusyon’ ni Marian

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinuri ni Robin Padilla si Marian Rivera sa post nito sa Instagram na nakasuot ang aktres ng T-shirt na puti na nakatatak ang project niyang Kapuso Adopt-a-Bangka project. Handog ito ng GMA Primetime Queen para sa kababayan natin sa Northern Cebu na biktima ng bagyong Yolanda.

Eh isa rin pala ang asawa ni Robin na si Mariel Rodriguez na tumutulong sa Bantayan Island sa Cebu kaya ang message ng action hero, “Praise God the evolution of the revolutionary women in Bantayan Island.”

Nanawagan din siya sa tinatawag niyang revolutionary actors na sina Piolo Pascual, Dingdong Dantes, at Jericho Rosales pati na si Venus Raj upang tulungan ang kalagayan ng Badjao. Maging ang Yellow Boat ng Hope Foundation ay hinimok niya.

“The advocacy of the Yellow Boat of Hope Foundation is without boundaries and is without any network affiliation. May our intention unite us into one strong Katipunan in Sha Allah,” post pa ng bida ng 10,000 Hours.

Vic at Aiza binigyan ng tsansa sa pelikula ang mga karelasyon

Kanya-kanyang display ng kani-kanilang girlfriend sina Vic Sotto at Aiza Seguerra sa premiere night ng My Little Bossings last Saturday sa SM Megamall. Katabi ni Vic si Pauleen Luna habang ang beauty titlist na si Liza Dino naman ang katabi ni Aiza.

Take note na sa movie ay may cameo appearance ang dalawang babae. Tindera sa isang bakery si Poleng na panay ang sabi na guwapo si Vic pero iniisnab-isnab naman siya. Si Liza naman ay kasama ni Aiza sa eksenang nagpapaalam na sa tatay niyang si Vic.

Pero sa kabuuan ng pelikula, klik na klik sa mga nakapanood ang pagpa­patawa ni Ryzza Mae Dizon. Pinapalakpakan ang bitiw niya ng nakakatawang dayalog na umaliw sa manonood!

Of course, huwag na nating masyadong seryosohin ang akting ni Bimby Yap, Jr. First time niyang lumabas sa pelikula kaya hayaan na lang natin ang akting niya sa mga eksena. Keri na niya ‘yung role niyang spoiled brat kahit walang masyadong dayalog, huh!

Pampamilya ang pelikula at maaaliw ang mga bata sa movie at natumbok ng pelikula ang layunin nitong magpasaya.

MMFF passes iniba na para ’di mapeke

Binago na ang Metro Manila Film Festival (MMFF) tickets na ipinamahagi sa media. May balita kasing pineke ang hitsura ng dating MMFF festival passes kaya late itong naipamigay.

Full color na ang mas pinaliit na size ng pass. Hindi gaya noon na may cover na dilaw at ’yung pinupunit na kulay puti kung saan binabayaran ang P5.00 tax ay iniba na rin ang hitsura!

At least, nagkaroon man ng gulo, hindi nagmaramot ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na siyang nangangasiwa sa MMFF at sa festival passes. Kaya naman tangkilikin nating lahat ang walong entries na mapapanood simula sa Disyembre 25!

 

 

AIZA

AIZA SEGUERRA

BANTAYAN ISLAND

BIMBY YAP

DINGDONG DANTES

HOPE FOUNDATION

JERICHO ROSALES

JR. FIRST

KAPUSO ADOPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with