Janine Gutierrezpinagsabihan ni Donna Cruz na galingan ang pag-arte
Masayang-masaya si Janine Gutierrez nang personal niyang makilala si Donna Cruz noong mag-guest ito sa Sunday All Stars noong isang linggo. Idol niya noon ang singer-actress at paborito niya ang mga kanta nitong Habang May Buhay, Rain, at Isang Tanong, Isang Sagot.
“Hindi po ako makapaniwala kasi nakasama ko po ang idol ko. Nalaman din nga po niya na ako ang gaganap sa role niya na Lynette sa remake ng Villa Quintana. Galingan ko raw dahil isa nga raw iyon sa mga pinakapaboritong role na ginawa niya noon,†masayang balita ni Janine.
“Nag-promise naman po ako sa kanya na huhusayan ko para hindi ako mapahiya sa kanya at sa mga tagahanga niya.â€
Marami ang nagsasabi na malaki ang pagkakahawig ni Janine kay Donna. Pati ang pagtawa nga raw ay nakuha niya.
“Marami nga po ang nagsasabi at hindi ko naman iyon alam until may mga nagsasabi na. Natutuwa naman ako kasi ibig sabihin kasing ganda ko po ang idol ko,†sabi pa ni Janine
Magsisimula na ang Villa Quintana sa Nov. 4 sa GMA Afternoon Prime kapalit ng Mga Basang Sisiw.
Kyla papalitan na ang malambing at malumanay na ugali
Sa unang pagkakataon ay gaganap na isang kontrabida ang R&B Princess na si Kyla sa bagong afternoon drama series ng GMA 7 na Villa Quintana.
Isang bagong character ang gagampanan niya na wala sa original ‘90s series kaya wala siyang pagbabasehan ng kanyang iaarte sa serye.
“Kaya pala wala akong ma-research kasi new character siya. Kaya I have to really create the character.
“Isang bagong challenge sa akin ito kasi never talaga ako tumanggap ng teleserye. Nag-guest lang ako like noon sa Narito ang Puso Ko noong 2004.
“Gano’n lang ang kaya ko kasi I feel na hindi naman ako artista. Pero this time parang natsa-challenge ako kasi nga si Direk Gina Alajar ang director namin and she motivates me very well.
“Kaya sige gawin na natin ito. Let’s see where it will take me,†ngiti ni Kyla.
Marami ang mag-aabang kung paano gaganap na mataray si Kyla dahil in real life ay napakabait niya at kung magsalita ay malumanay pa.
Paano niya mapapaniwala ang televiewers na capable siya na maging mataray?
“‘Yun ang challenge sa akin kasi nga itong talking voice ko very malambing daw at minsan mahina. Eh ang role ko kailangang nagtataray ako, masungit, at maingay.
“Doon ako masusubukan talaga and I really want to see myself act that. Sana magawa ko ng tama,†asam na lang ng Kapuso singer.
Wala naman daw magiging problema sa kanyang mister na si Rich Alvarez ang kanyang pagiging busy ngayon. Basta maayos naman ang arrangement nila sa pag-alaga sa kanilang baby na si Toby Elisiah.
“Five months na ang baby namin and nagpapa-breastfeed pa rin ako. Medyo nami-miss ko nga si Toby kapag nasa taping ako. Nagkakaroon ako ng separation anxiety. Kailangang makita ko agad ang baby namin.
“Kaya nga lagi kaming naka-Facetime ni Toby kapag break namin sa taping. I want to see ‘yung mga bagong ginagawa niya at ayokong ma-miss ang mga iyon,†sabi ni Kyla.
Hands-on silang mag-asawa sa pag-aalaga kay Toby. Kapag busy si Kyla, si Rich ang nag-aalaga and vice versa. Kapag pareho silang busy ay iniiwan muna nila sa parents nila ang kanilang baby.
“Ayaw muna naming magkaroon ng yaya si Toby. Gusto kong masanay siya sa amin ni Rich o sa mga lolo’t lola niya.
“Siguro kapag medyo malaki na siya doon na kami magha-hire ng nanny. For now, kahit puyat kami we make sure na we are there for his needs,†rason ni Kyla.
- Latest