^

Pang Movies

Lumobo ang katawan pero iwas pag-usapan Drama actor tameme sa dinanas na depression sa nakarelasyong sexy actress

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Magaling umiwas ang drama actor kapag tinatanong siya tungkol sa kanyang personal na buhay. Dinadaan na lang niya sa ngiti at biro para lang hindi niya masagot ang personal na tanong.

Nakasalubong namin ang controversial drama actor sa isang mall sa Makati City at napansin namin na medyo tumaba na siya. Huli kasi namin siyang nakita ay maganda ang kanyang pangangatawan at pinaghahandaan pa niya noon ang isang underwear fashion show.

Agad naming naisip na baka totoo nga ang balitang dumaan sa depression ang drama actor dahil sa nangyari sa pakikipagrelasyon niya sa isang sexy actress. Nawalan daw ng ganang mag-workout at mag-diet kaya biglang lumobo na.

Pero sa saglit na kuwentuhan namin ay nabanggit niya na balik siya sa workout dahil may sisimulan siyang bagong teleserye. Kahit na anong pagpapaikot namin sa kanya, ayaw niyang sagutin ang anumang tungkol sa buhay niya. Ang tanging nasagot lang niya ay “masaya po ako ngayon.” 

Jericho panay ang pasasalamat sa kanilang direktor

Pinapalabas na ang trailer ng indie film ni Jericho Rosales na Alagwa na nanalo siya ng apat na acting awards, kabilang na ang Gawad Urian at ang Newport Beach Film Festival.

Kailan lang ay muling nagwagi ang Alagwa na idinirek ni Ian Loreños sa Guam International Film Festival. Napanalunan nila ang grand jury award for best narrative feature at nagwagi naman si Jericho ng achievement in acting award para sa pagganap niya bilang ama ng nawawala niyang anak na naging biktima ng illegal human trafficking.

Hindi nakasama si Jericho sa filmfest para personal niyang matanggap ang kanyang award. Pero nag-post naman siya sa Facebook, Twitter, Instagram, at sa sarili niyang blog site na jerichorosales.tv ng kanyang pasasalamat.

“Thank you so much Ian Loreños for giving me the most meaningful movie role to date in my career. Congratulations to us and our entire ‘Alagwa’ team! We have great actors in our movie, as well as artists and crew with big hearts. We’ve taken the film around the world, and now it comes home to the Philippines. I can’t wait for all of you to see it — malapit na!”

Ang Star Cinema ang magdi-distribute ng Alagwa na magbubukas sa Oct. 9 sa lahat ng SM Cinemas.

ALAGWA

GAWAD URIAN

GUAM INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

IAN LORE

JERICHO ROSALES

MAKATI CITY

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with