^

Pang Movies

Mga pelikula sa Sineng Pambansa P100 lang ang bayad!

REBYUWER KIBITZER - Jhi D. Gopez - Pang-masa

Buhay na buhay ang mga indie film ngayong linggo dahil sa Sineng Pambansa: All Masters Edition ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at siyempre dahil sa napakalaking suportang ibinigay ng SM Cinemas.  

Tinalbugan pa ng SM ang effort dati ng Robinsons Movieworld Galleria sa Ortigas, Pasig City. Ang Robinsons ang unang nakilala na tumutulong sa mga Pinoy na indie film dahil nagkaroon ng pagkakataon na nagpalabas sila ng ilang pelikula sa Galleria branch. Paisa-isa nga lang at hindi sunud-sunod. At lalong hindi nagtagal ng isang linggo na walang ibang kasabay na foreign film.

Kaya malaking sugal itong ginawa ng SM ngayon kung negosyo o kita ang pag-uusapan. Nag-level up sila ng appreciation sa low-budget films na gawang Pinoy. Hurray!

Nakakatuwa nga kasi kahit simpleng trabahante nila na nagpapalit ng mga pamagat ng pelikula sa display board sa Mall of Asia nung Martes ng gabi ay nag-imbita na panoorin ang mga bagong pelikula. Napansin niya kasi na tinitingnan ko isa-isa ang mga inaalis niyang foreign movie titles at ipinapalit ang mga Sineng Pambansa film entry.

“Manood na kayo ma’am bukas (opening day nung Miyerkules). One hundred pesos lang ‘yan,” paanyaya niya.

Nakakagulat ’di ba? P100 lang para sa dekalidad na full-length films na mula sa isandosenang direktor na pinili ng FDCP at bida ngayon sa Sineng Pambansa na national film festival dahil nationwide ito.

Kinabukasan ay nasilip ko ang Glorietta 4 at Greenbelt 3 sa Makati City at siyempre ay wala naman dung Sineng Pambansa. Hitik sa Hollywood films ang G4 at G3. Pero ang nakakatuwa, nakasingit pa ang Transit na isang indie film na galing naman ng Cinemalaya Independent Film Festival.

Ingat nga pala sa pagpili ng pelikula kahit foreign film. Baka madismaya kayo tulad sa No One Lives. Natu­ringang si Luke Evans pa naman ang bida, wala palang kuwenta. Mabuti pa siguro kung Filipino films muna ang suportahan kung ganun din lang. Makakasiguro pa kayo sa Transit at sa ilang magagaling na obra ng magagaling nating direktor sa Sineng Pambansa. Sa ngayon ang malalakas sa takilya ay Lihis, Sonata, at Bamboo Flowers.

Pumunta ng maaga sa mga sinehan ng SM para maayos ang inyong schedule. Mahirap ‘yung naghahabol ng screening o kaya ‘yung naghihintay ng matagal para sa susunod na pelikula kaya kung minsan ang napipili ay kung ano ang inabutang available. Maiirita lang kayo kung bugok ang matiyempuhan.

May ipare-rebyu? E-mail: [email protected]

ALL MASTERS EDITION

ANG ROBINSONS

BAMBOO FLOWERS

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

FILM

FILM DEVELOPMENT COUNCIL OF THE PHILIPPINES

LUKE EVANS

MAKATI CITY

SINENG PAMBANSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with