^

Pang Movies

Jessy ikinukumpara na agad kay Thalia

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Inamin na ni Jessy Mendiola na may pinag­da­anan din siyang pait sa kanyang buhay. Inamin niyang lumaki siyang hindi na kasama ang kanyang ama. Huli niya itong nakita noong siya ay anim na taong gulang lamang. Ang kanyang ina ang tuma­yong ama’t ina nilang magkakapatid at nagpakasakit nang husto mabuhay lamang sila ng maayos.

Inamin din naman ni Jessy na noong una siyang pumayag na mag-artista, gusto lamang niyang subukan iyon. Naisip niyang maganda ring pagkakitaan. Makakatulong iyon para mabago ang kanilang buhay. Inamin din niya na noon tipid sila kahit na sa pagkain, kadalasan ang ulam lang nila ay noodles, dahil kung anuman ang kinikita ng kanilang ina ay nauuwi lamang sa pag-aaral nilang magkakapatid. Kaya nang makakita siya ng pagkakataon na matulungan ang kanyang pamilya at makaahon sa hirap ay talagang pinagbutihan na niya iyon.

Marami na rin naman siyang naabot pero sinasabi nga niya na parang katu­paran ng kanyang mga pangarap ang maging bida sa seryeng Maria Merce­des. Idol daw kasi niya si Thalia at na­pa­nood niya ang lahat ng mga seryeng gi­nawa ng Mexican actress. Noon pa niya pinangarap ito.

Marami ang nagsasabi, hindi maiiwasan ni Jessy ngayon ang maikumpara sa mga iba pang gumawa ng mga role ni Thalia. Pero honestly ay naniniwala kaming lamang si Jessy. Una, dahil matangkad siya. Ikalawa, hindi naman siya kagaya nang iba na mas magaling pang umarte ang aso.

May sinabi rin si Jessy for the first time. Inamin niyang dalawang taon din silang naging mag-on ni JM de Guzman at naging masakit para sa kanya pero kailangan nga nilang mag-break dahil sa maraming dahilan.

Maraming mga pagkakataon na hindi napigil ni Jessy ang pagtulo ng kanyang luha sa press confe­rence ng Maria Mercedes pero palagay naman namin ang luhang iyon ay mapapalitan ng kasiyahan dahil sigu­rado namang magiging hit ang kanyang serye.

Pelikula ni JM tungkol kay San Pedro Calungsod malamang hindi na matuloy

Nabanggit na rin lang si JM de Guzman, ano ba talaga ang problema ng batang ’yan at kung anu-anong kuwento ang kumakalat tungkol sa kanya?

Isa pa, sinasabing siya ang bida sa film bio ni San Pedro Calungsod. ’Tapos ang balita ay wala pa naman palang financier ang pelikula kaya hindi pa sigurado kung makakasali nga ’yun sa filmfest sa December. At saka weird ha? Kuwento tungkol sa isang santo ’tapos ang pangalan ng kumpanya na gagawa ay Hubo Productions?

Ang sinasabing director pa nun ay involved sa pag­gawa ng gay sex films noong araw. Parang nakakatuwa na sila nga ang gagawa ng kuwento ni San Pedro Calungsod.

Pero kung magagawa nga nila, why not? Sana lang makapasa ang kalidad ng pelikula, may makuha silang financier, at magawa nga ng maayos   para naman makakuha sila ng suporta mula sa mga tao. Kung hindi, palagay namin ang magi­ging kapalaran nila ay parang pelikula rin ni Nora Aunor.

Sammy Lagmay namatay sa kumplikasyon sa Diabetes

Namatay na ang komedyanteng si Sammy Lagmay. Kumplikasyon ng sakit niyang diabetes ang kanyang ikinamatay. Marami rin namang pinasayang tao si Sammy sa buong panahon ng kanyang career.

Sana ipanalangin na lamang natin ang kapayapaan ng kanyang kaluluwa.

vuukle comment

GUZMAN

INAMIN

JESSY

KANYANG

MARAMI

SAMMY LAGMAY

SAN PEDRO CALUNGSOD

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with