^

Pang Movies

Komedyante sa Britanya winalanghiya ang mga batang kabataang Pinoy!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi namin gustong palampasin ang ginawa ng komedyanteng si Katherine Ryan sa kanyang programa na inilabas ng BBC. May sinasabi siyang produkto, at sinabi niyang ang mga gumawa noon ay hindi gumamit ng animal testing. Bawal na bawal kasi sa kanila iyong gagamit ng mga hayop para masubukan kung ano man ang mga bagong gamot na ginawa nila.

At alam ba ninyo kung ano ang idinugtong ng walanghiyang komedyanteng iyon matapos niyang sabihing hindi sila gumagamit ng mga hayop? Sinabi niyang “we use Filipino children.” Hindi ba iyan ay isang pangwawalanghiya sa atin?

Kahit pa sabihing nag-apologize na siya, dapat may gawin ang British channel na BBC para madisiplina ang mga tauhan nilang kagaya ng walanghiyang babaing iyan.

Kung hindi dapat na i-boycott ang BBC sa mga cable services sa Pilipinas. In the first place mas maraming mga international channels na mas maganda kaysa sa BBC.

Dapat mag-apolgize din ang embahador ng Britanya sa Pilipinas.

John Lloyd tumatanaw ng utang na loob

Isang short video ang inilagay ng girlfriend ni John Lloyd Cruz na si Angelica Panganiban sa kanyang account sa photo and video sharing network na Instagram kung saan nagpasalamat si John Lloyd sa lahat ng mga nakisaya at bumati sa kanya noong kanyang birthday at patuloy na sumusuporta sa kanya hanggang ngayon, kaya nga tinatawag na siyang king of the box office of all time. Wala pa kasing ibang artistang lalaki na ang pelikula ay kumita consistently nang ganoon kalaki kahit na noong araw.

Suwerte si John Lloyd dahil lahat ng gawin niyang pelikula ay kumikita nang malaki.

Nakakatuwa iyong video kung mapapanood ninyo eh, kasi sa dulo tumalon pa si John Lloyd at nagsabi nga ng “thank you”.

Nakikita mo sa kanya ang katuwaan sa nangyayari sa kanyang buhay. Nakikita mo sa kanya ang sincerity sa pagtanaw ng utang na loob sa mga taong sumusuporta sa kanya. Makikita mo ang pagpapasalamat niya ay taos sa puso.

Marami na rin naman kaming nakitang mga artistang nagpapasalamat sa tulong ng kanilang mga fans na ginagawa pa nila sa mga TV shows, pero mapapansin mo na ang gusto nilang palabasin ay hindi talaga pagtanaw ng utang na loob sa mga fans kung ‘di parang sinasabi nila na magaling kasi sila kaya ganoon ang kinita ng kanilang mga pelikula. Tingnan ninyo, iyong mga artistang ganoon, hindi rin naman nagtatagal ang career.

Komedyana mas gusto nang makipagrelasyon sa bakla, sawa nang mabugbog at kuwartahan ng lalaki

Inaamin ng isang komedyanteng babae na type na type niya ang isang BI (bakla) na nakasama niya sa isang show kamakailan lamang. Sinasabi niyang mas gusto na niya ngayon ang mga silahis kasi lahat halos ng nakarelasyon niyang lalaki noong araw ay kinukuwartahan lang siya at binubugbog pa.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

BAWAL

BRITANYA

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

KATHERINE RYAN

NAKIKITA

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with