^

Pang Movies

Kaya paggawa ng pelikula pahinga muna, Direk Carlo nawiwili sa nagpapagandahan na mga teleserye

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Masaya naman si Direk Carlo Caparas sa press conference ng Dugong Buhay dahil sabi nga niya iyon daw kuwentong sinulat niya, na nagsimula sa komiks at naisalin na sa pelikula, ay pinakikinabangan pa rin sa telebisyon ngayon. Naniniwala si Direk Carlo na kung iyon ay naging malaking hit sa pelikula, in fact, doon nagsimulang gumulong talaga ang career ni Sen. Bong Revilla, Jr., ay magiging malaking hit din iyon sa telebisyon.

Una-una, sigurado na siyang magka­karoon ng mataas na ratings ang bagong serye sa pagsisimula sa Lunes dahil na­lagay siya ngayon sa isang malakas na istasyon, ang ABS-CBN. Noon naman kasi maganda man ang kuwento niya ay nalagay naman siya sa isang istasyon na hindi napapanood dahil sa pangit na signal kaya wala ring nangyari.

“At saka natutuwa ako sa ABS-CBN, mahusay silang kausap. May mga idinagdag na characters dahil alam naman ninyo sa TV mas mahaba siyempre ang kuwento. May mga nadagdag ding istorya. Pero bago nila ginawa iyon ay kinonsulta muna nila ako at tinanong kung ano ang ideya ko sa mga bagay na iyon.

“Ang nakakatuwa pang isa, ang pinagdirek nila ay isang mahusay na direktor na may respeto naman sa trabaho ng kapwa niya director, si Toto Natividad.

“At saka mas natuwa pa ako nang malaman ko kung sinong mga artista ang kinuha nila. In fact, sinabi pa nila sa akin kung sino ang mga artistang ilalagay niya kahit na sa totoo lang ay wala na akong pakialam doon dahil sa kanila na iyon. Pero makikita mong naroroon ang respeto eh.

“Ikinatutuwa ko rin na ’yan ang magiging comeback ni Sunshine Cruz. Kung natatandaan ninyo naging artista ko rin naman si Sunshine noong uso pa iyong mga massacre movie na ginagawa ko noon at naging isang malaking hit ang Marita Gonzaga Rape Slay. Eh ngayon kontrobersiyal pa si Sunshine kaya sigurado ako na mataas ang ratings niyan. Matagal siyang nawala at gusto siyang makitang muli ng mga tao,” mahabang kuwento ni Direk Carlo.

Pero sinabi ng batikang direktor, nag-iisip siyang gumawang muli ng pelikula pero iyon nga ang pinag-aaralan pa niya kung paano.

“Ang dami kasing teleserye ngayon sa telebisyon na kung titingnan mo ay parang pelikula na rin eh. Hindi mo mapapaalis ang mga tao sa harapan ng telebisyon para manood ng sine. Maghapon halos ang drama sa TV at makikita mo namang napakaganda ng pagkakagawa. Mawiwili ka talaga eh.

“Nandoon ang plano na gumawa ng pelikula pero sabi ko nga, ang tagal ko namang nagpagod nang husto sa komiks at pelikula, parang gusto ko na munang magbakasyon pa tutal nariyan pa naman ang mga kuwento ko sa telebisyon,” sabi pa ng kontrobersiyal na direktor.

Kapalaran ni Jodi kay Jolo nakakatawa

Nagtatawanan sila dahil makikita ang ginagawang matinding suporta ni Jodi Sta. Maria sa kanyang boyfriend na si Jolo Revilla na kumakandidato sa Cavite. Ang kalaban naman ni Jodi ay ang bayaw niya dahil hindi ba hanggang ngayon nama’y kasal pa rin siya kay Pampi Lacson?

Minsan nakakatawa talaga ang showbiz at ang pulitika eh. Pero gano’n talaga ang buhay. Hindi na sila ngayon eh. Siyempre kung sino naman ang kasama niya, doon siya. Nagkataon nga lang magkalaban ngayon ang boyfriend niya at ang kapatid ng ex-husband niya.

vuukle comment

BONG REVILLA

DAHIL

DIREK CARLO

DIREK CARLO CAPARAS

KUNG

NAMAN

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with