^

Pang Movies

Ella Cruz, laking pasalamat sa big break na ibinigay ng ABS-CBN

Pang-masa

MANILA, Philippines - Napakalaking blessing para sa Kapamilya tween mermaid na si Ella Cruz ang pagdating sa kanyang buhay ng top-rating fantaserye Aryana, na mahigit pitong buwan nang namamayagpag sa ere.

“Hinding-hindi ko po malilimutan ang pagdating ng Aryana sa buhay ko dahil iyon po talaga ang pinaka-highlight ng 2012 ko,” ayon kay Ella. “Sobrang thankful po ako sa ABS-CBN para sa lahat ng nangyari sa akin at sa career ko ngayong taon.”

Dahil sa kanyang napaka-busy na schedule, ibinahagi ni Ella na imbis na bumili ng mamahaling mga gamit para sa sarili bilang regalo ngayong Pasko ay mas pipiliin na lamang niyang maglaan ng oras para sa kanyang pamilya.

Aniya, “Ang gusto ko lang pong regalo para sa sarili ko ngayong Christmas ay time para makasama at maka-bonding ‘yung family ko. Simple lang po, pero sobrang masaya na po ako dun.”

Samantala, taliwas sa mga magagandang nangyayari sa career ni Ella, sunod-sunod na trahedya naman ang pinagdaraanan ng kanyang karakter sa kanyang fantaserye na si Aryana. Ngayong marami nang nakakaalam ang pagkakaroon ng mga sirena, paano pa nga ba maitatago nina Ofelia (Pokwang) ang sikreto ni Aryana ngayong pinaghahanap na sila ng mga awtoridad? Ano nga ba ang gagawin ni Reyna Hiyasmin (Tetchie Agbayani) at Neptuna (Desiree del Valle) para matulungan si Aryana?

 

vuukle comment

ANIYA

ANO

ARYANA

DAHIL

ELLA

ELLA CRUZ

KAPAMILYA

PARA

REYNA HIYASMIN

TETCHIE AGBAYANI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with