^

Pang Movies

Actor na nanira ng gamit sa opisina, kinamatayan na lang ng may-ari

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagalit ang may opisina sa aktor dahil napinsala ang mga kagamitan nila. Ang tanong, binayaran ba ang mga naperwisyong gamit ng nagalit na aktor?

Walang nakakaalam ng kasagutan dahil namayapa na ’yung may-ari ng opisina dahil sa karamdaman. Mahirap ang buhay ngayon, maraming walang trabahong taga-showbiz kaya mainit ang ulo nila. Kayo rin, baka kayo ang mapag-initan at mawasakan ng mga gamit.

Dayanara torres naispatan ni Aga sa Ifugao province

Nasorpresa si Aga Muhlach noong mag-taping siya minsan ng Pinoy Explorer sa Ifugao province. Hindi niya akalain na sa kalalakad nila sa may rice terraces ng Banaue, “nakita” niya si Dayanara Torres. Nag-blush pa ang aktor kahit pangalan lang pala ni Dayanara ang nakitang pangalan ng isang park doon. Nagtanong siya sa mga taga-roon kung bakit may name ang dati niyang girlfriend.

Noon palang manalong Miss Universe si Daya­nara unang naisipang dalawin ang kagandahan ng rice terraces. Bilang balik pasasalamat ng mga tagaroon ay inilagay nila ang pangalan ng dating beauty queen.

Samantala, hindi naman maarte ang kasama ni Aga na si Valerie Montenegro dahil kahit super puti, lumusong ito sa bukid at nagtanim ng palay. Kumain din ng nganga (combination ng dahon ng ikmo, apog, at iba pa) na malimit kinakain doon para malabanan ang lamig lalo ngayong Pasko. Uminom din ng rice wine at sumamang manghuli ng local pig o baboy ramo na kinakain nila roon.

Magkapatid na child stars parehong honor students

Every Friday, Saturday, at Sunday tampok ang child star na si Julia Chua sa stage play na King and I sa Resorts World Manila. Two shows per day at extended hanggang 2013 ang musical. Nanalo na si Julia sa Aliw Awards para sa King and I.

Ang utol namang si Migs Cuarderno ay nominated sa Araw Award 2012 para sa GMA 7 mini-sine kasama sina Raymond Bagatsing at Ayen Laurel. Kasama rin si Migs sa pelikula ni Mayor Alfredo Lim na si Cesar Montano ang bida.

Parehong aktibo sa school ang magkapatid kahit sabihing marami silang ginagawa ngayon. Pareho pa silang honor students. (VIR GONZALES)

 

vuukle comment

AGA MUHLACH

ALIW AWARDS

ARAW AWARD

AYEN LAUREL

CESAR MONTANO

DAYANARA

DAYANARA TORRES

EVERY FRIDAY

IFUGAO

KING AND I

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with