3 mag-utol, 1 pa todas sa sunog

MANILA, Philippines — Apat katao ang nasawi kabilang ang tatlong magkapatid sa naganap na sunog sa isang residential area sa Barangay Longos, Malabon City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ng isang kamag-anak ang mga biktima bilang tatlong magkakapatid at isang pamangkin na may edad siyam hanggang 38 taong gulang. Isa sa mga nasawi ay may kapansanan.
Ayon sa Bureau of Fire Protection – National Capital Region (BFP-NCR), nagsimula ang sunog, alas-3:45 ng madaling araw sa isang two-storey house sa Tanigue St., Brgy. Longos na gawa sa light materials na umabot sa first alarm pagsapit ng alas-3:52 ng madaling araw.
Anim na bahay ang tinupok ng apoy, na nakaapekto sa 41 katao o 10 pamilya.Idineklarang under control ang sunog bandang 6:52 ng umaga, ayon sa BFP-NCR.
- Latest