^

Metro

Snatcher utas sa shootout, 2 pulis sugatan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Snatcher utas sa shootout, 2 pulis sugatan
Sa sketchy report, alas-12:45 ng hapon ng Hunyo 20, nang maganap ang insidente sa panulukan ng Marquez at Analiza Sts., sa Gatchalian Subdivision, Barangay Manuyo Dos.

MANILA, Philippines — Patay ang isang ‘di pa kilalang lalaki na diumano’y snatcher nang maka-engkwentro ang mga rumespondeng pulis, sa Las Piñas City, Huwebes ng hapon.

Sugatan naman at dinala sa Las Piñas Doctor’s Hospital ang dalawang tauhan ng Tactical Motorcycle Riding Unit (TMRU) ng Las Piñas City Police Station na kinilalang sina P/Master Sgt. Panton at P/Staff Sgt. Anipan.

Sa sketchy report, alas-12:45 ng hapon ng Hunyo 20, nang maganap ang insidente sa panulukan ng Marquez at Analiza Sts., sa Gatchalian Subdivision, Barangay Manuyo Dos.

Nabatid na sa pag­responde ng mga tauhan ng TMRU sa pangunguna ni P/Lt, Jesus De Leon sa nagaganap na robbery snatching, nakipagputukan umano ang suspek, na naging dahilan ng kaniyang kamatayan.

Sinabi naman ni Las Piñas Police Station commander, P/Colonel Sandro Jay Tapalla, nasa stable condition naman ang mga sugatang pulis.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with