^

PSN Showbiz

Teresa, nagsisi sa nangyari kay Diego

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Teresa, nagsisi sa nangyari kay Diego
Teresa Loyzaga
STAR/File

Magtatatlong linggo na ngayon sa Pilipinas si Teresa Loyzaga. Kapag wala sa bansa ay mag-isa lamang na naninirahan ang aktres sa Australia. “Nasanay na rin kasi akong mag-isa. I live alone. Siguro iisipin ng iba malungkot, gagawan mo ng paraan eh. Marami akong kaibigan do’n. ‘Yung mga anak ko naman pumupunta din and lumaki naman sila do’n. Lungkot is just a state of mind, busy yourself, you do something, walang lungkot,” bungad sa amin ni Teresa sa Fast Talk with Boy Abunda.

Masayang-masaya ang aktres dahil sa pagkakaroon ng sariling pamilya ng anak nila ni Cesar Montano na si Diego Loyzaga. Nai-enjoy umano ni Teresa ang pagiging ‘Glam-ma’ sa apong si Hailey. “I thought when I had my children, ‘yon na ‘yung highlight ng ‘mom’ in me. Iba ‘yung high ng lola. Hindi ko masabing it’s more than when I had my kids. I think it’s part of womanhood, na akala mo you graduate kapag mom ka na. May continuation pa pala kapag naging lola ka na. Ibang stage pa rin ng womanhood,” pahayag niya.

Bilang isang ina ay masakit para kay Teresa ang mga pinagdaanan ni Diego ilang taon na ang nakalilipas. Inamin ng aktres na siya mismo ang nagpasok sa anak sa isang rehabilitation center dahil sa pagkahilig ng aktor noon sa ipinagbabawal na gamot. Nagalit daw noon si Diego dahil sa naging desisyon ng ina. “Yes, because he wasn’t himself then. We have to understand na ‘yung mga mahal natin sa buhay kapag nalulong sa droga, kapag kinausap mo sila at binabastos ka nila, hindi sila ‘yon. ‘Yung gamot ‘yon eh. No’ng nawala lahat ‘yon, bumalik ‘yung anak ko then naintindihan niya. Ang tagal naming hindi nagkita. Ang hindi niya alam, bumibisita ako parati sa kanya kahit bawal kami magkita. That was part of his punishment for him to learn, to appreciate home, family. Kapag bumibisita ako do’n, pader lang ang pagitan namin, nandiyan siya sa kabila, hindi niya alam. Pero napapanood ko siya sa isang maliit na monitor, kung nasaan siya sa loob. Kapag kumakain siya, nagpapadala ako ng pagkain. There was one time tarpaulin lang ang pagitan namin, may butas ‘yung tarpaulin. Sabi niya sa akin, ‘You have to promise tatahimik ka ah. Hindi ka magpaparamdam.’ Sabi ko, ‘Promise!’ Gusto ko lang talaga makalapit. Nakasilip lang ako sa butas makita ko lang ‘yung anak ko, mahirap. What people do not know, I put him to rehab. It’s a part of me that died. But I wanted my son to live. So I had to put him to rehab,” emosyonal na pagdedetalye ng aktres.

Mayroong mga pagsisisi si Teresa dahil sa hindi magandang sinapit ni Diego noon. “Oo, kasi nga I wasn’t always there. Even if I tried to always be there, I just couldn’t, somebody has to work. Somebody had to put food on the table. Somebody had to put a roof over their heads. Somebody had to put them to school. Don’t say that I’m degrading other people, no. Wala akong pinupuntiryang wala doon. ‘Yon ang sitwasyon namin so I dealt with it the best way I could,” paliwanag niya.

Malaki ang pasasalamat ng aktres dahil sa pagbabagong-buhay ng anak. Ayon kay Teresa ay mayroong mga panahong naiisip pa noon na samahan na si Diego sa loob ng rehab center. “Prayers, prayers, and never-ending prayers and pasasalamat talaga, do’n ako kumapit. Kung wala ‘yon, baka ako rin nasa loob. There were days na naiisip ko na kailangan ko rin yata pumasok para matuto din, ang hirap. There’s so much to be thankful for. Every day you learn something, every day is a struggle but there’s also a reason to be thankful for and rejoice, to celebrate and be grateful. It’s a new life. Sa mga nakakaranas nito, wala hong nakakahiya. You tak care of yourself the best way na kaya mo para sa sarili mo. Ikaw lang ang nakakaalam kung ano ang best for you,” giit ng aktres.

Samantala, nanatili ang pagiging magkaibigan nina Teresa at Cesar. Nagkita pa ang dating mag-asawa kamakailan sa birthday party ng kanilang apo. “Nagkita kami sa birthday ni Hailey, magkakasama kami. I also met his partner. We had a little chat. I also told Diego, ‘Let’s have a lunch together, lahat na, together.’ Time is so precious, time is gold. Matanda na tayong lahat. Ayokong sirain pa na, ‘yung pride of your youth or a misunderstanding from the past maghi-hinder pa. Positive for the rest of the family,” kwento ng aktres.

Maganda rin ang relasyon ni Teresa sa ama ng panganay na anak na si Joseph. “Arnold has a very good relationship with Sepi (Joseph). And I’m very, very happy about that. To be honest kasasabi ko lang kay Sepi, ‘You ask naman your dad, I want to visit your lola. Baka pwede tayo mag-lunch?’ or can I visit do’n sa bahay nila. We don’t talk everyday but there’s no issue if we talk. Even the wife, we’re fine,” pagtatapos ni Teresa. (Reports from JCC)

vuukle comment

TERESA LOYZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with