^

Pang Movies

Alden, na-bash pa more ng fans ni Kathryn!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Alden, na-bash pa more ng fans ni Kathryn!
Alden Richards
STAR/File

Sobrang pamba-bash na naman ang natanggap ni Alden Richards mula sa ilang fans ni Kathryn Bernardo na ayaw sa kanya.

Ang wish ng iba sa kanila, hindi dumalo ang aktor sa birthday party ni Kathryn kahit daw imbitahan siya. Paano kung dumalo ang aktor na siguro naman, iimbitahan siya kung may party ang aktres sa birthday niya sa March 26. Another bashing na naman at aakusahan na naman ang aktor na “user.”

Pati pala ang Star Awards for Movies na ginawa kagabi sa Dolphy Theater, binantayan ng fans. Isa sa mga host si Alden, baka raw sumaglit ito sa taping ng Pilipinas Got Talent na nasa studio rin ng ABS-CBN at malapit sa Dolphy Theater.

Ayaw na rin nilang magkaroon pa ng pelikula ang KathDen, sa iba na raw ipareha ang aktres at ‘wag na sa Kapuso aktor.

‘Kaloka ang fans, ganu’n katindi ang hate nila kay Alden.

Arci, Kapuso na ulit!

Very proud si Atty. Annette Gozon-Valdes sa Sinagtala (The Movie) dahil puro Kapuso stars daw ang main cast.

Panoorin para matuloy ang ipinangako ni direk Mike Sandejas na gawan ng part two at part three ang nasabing pelikula.

Kasunod nito, in-announce ni Atty. Annette na gagawa ng series sa GMA 7 si Arci. Sa GMA siya nadiskubre nang sumali sa 2005 StarStruck pero marami siyang nagawang project sa Kapuso, hanggang lumipat sa TV5 at sa ABS-CBN.

Saka, ang alam ng marami, kamag-anak ni Arci si Mr. Jimmy Duavit, isa sa mga bossing ng GMA, kaya for sure, iwe-welcome pa rin siya ng GMA with open arms and open heart.

Anyway, maganda ang role at karakter ni Arci sa Sinagtala the Movie bilang pokpok na may putok. Nakakatuwa ang eksena nila ni Matt Lozano at kung paano nila nilaglag ang isa’t isa. Tama nga si director Mike, he has a perfect cast in the said movie. Nag-swak lahat and you will love them individually.

Sa April 2 na ang simula ng showing ng movie in cinemas nationwide.

Mariz, hinihiritang kasuhan si Mon at vlogger!

Para kay Arnold Clavio, dapat humingi ng tawad kay Mariz Umali ang vlogger na si Krizette Chu dahil sa pagpapakalat daw nito ng video ni Mariz na tinawag na matanda si Salvador Medialdea.

Pati raw ang vlogger na kumuha ng video ay dapat ding mag-sorry kay Mariz. Dahil sa nag-viral na video, na-bash si Mariz at nagalit sa kanya ang supporters ni former president Rodrigo Duterte.

Pati raw ang columnist na si Mon Tulfo ay dapat ding humingi ng apology kay Mariz dahil pinatulan nito ang fake news at may nega comment pa siya sa GMA News journalist. May nag-suggest nga kay Mariz na kasuhan ang tatlo.

So far, wala pang nagso-sorry sa kanya at ‘yung pagso-sorry ni Krizette sa hea­ring sa Kamara, hindi para kay Mariz. Pero, mag-sorry naman kaya si Mr. Tulfo?

ALDEN RICHARDS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with