^

Metro

16 pamilya nasunugan sa Tondo, lalaki inakusahan ng arson

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
16 pamilya nasunugan sa Tondo, lalaki inakusahan ng arson
Firefighters responded to a second alarm fire that hit a residential area at Capulong Street corner Quirino Street in Tondo, Manila on June 13, 2024
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nasa 16 na pamilya ang apektado ng sunog na sinasabing sinadya na tumupok sa walong kabahayan sa Barangay 108, Capulong Road, Tondo, Maynila, Huwebes ng umaga.

Sa inisyal na ulat ng Manila Police District (MPD), nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Ronualdo Oligario dakong alas-10:38 ng umaga kahapon.

Umakyat sa ikalawang alarma ang sunog dakong alas-11:49 ng umaga at pagsapit ng alas-12:06 ng tanghali ay idineklarang fire-out ng Bureau of Fire Protection (BFP).

May mga residente na nagsabing may narinig na putok ng baril sa gitna ng sunog, na hinihinalang may nagmamay-ari ng baril na residenteng nadamay sa sunog.

Wala namang naiulat na nasawi bagama’t may isang fire volunteer umano na nakuryente na hindi naman matindi ang injury.

Tinatayang nasa P300,000 ang halaga ng napinsalang ari-arian.

Samantala, isang lalaking residente ang iti­nuturong responsable sa sunog.

Ayon sa impormasyon na ipinarating kay Brgy. 108 Chairman Rodison Simbi­ling, ang ‘di pa tinukoy na lalaki ay makailang ulit nang nasangkot sa pagsusunog ng wire at tanso sa kanilang lugar.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with