^

Bansa

Cale88 may pondo mula Ukrainian firm

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Cale88 may pondo mula Ukrainian firm
Senator-Judge Risa Hontiveros
Composite photo of pictures from Senator Risa Hontiveros and Senator Sherwin Gatchalian

MANILA, Philippines — Inihayag ni Senator-Judge Risa Hontiveros na nakatanggap umano ng pondo ang CALE88 Foods Corp. mula sa isang kumpanyang nakabase sa Ukraine na nahaharap sa mga kasong kriminal kaugnay ng money laundering at pandaraya sa naturang bansa.

Sa ika-37 araw ng nagpapatuloy na impeachment trial, sinabi ni Hontiveros na batay sa mga rekord ng CALE88 Foods Corp., na iniugnay sa asawa ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Manases “Mans” Carpio, nakatanggap ang kumpanya ng mga remittance hindi lamang mula sa mga Chinese firm kundi maging sa iba pang dayuhang kumpanya, kabilang ang isang mula sa Ukraine.

Tinanong ni Hontiveros si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner’s Office Chief of Staff Anne Loraine Garcia-Marquez kung maaari ring imbestigahan ng BIR ang mga kum­panyang tumatanggap ng cash inflows na saklaw ng Suspicious Transaction Reports (STRs) at Co­vered Transaction Reports (CTRs) na isinusumite sa Anti-Money Laundering Council (AMLC).

“Kaya ko po itinatanong ito ay dahil ni-review rin po ng opisina ko yung ibang foreign-based companies na nagpadala ng pera sa Cale88, maliban doon sa mga nakabase sa China. Lumalabas na at least isa doon ay posibleng sangkot sa money ­laundering activities,” ayon kay Hontiveros.

Batay sa mga rekord na iniharap sa impeachment court, kabilang sa mga dayuhang kum­panyang nagpadala ng pondo sa CALE88 ang Arkmen LLC ng Ukraine, na may registration number na 41423974 at rehistradong address na “Zoriana 30A, Tsybuliv, Ukraine.”

Ayon kay Hontiveros, ang nasabing registration number at address ay tumutugma sa isang kumpanyang sangkot sa kasong kriminal na binuksan noong Mayo 19, 2025 kaugnay ng umano’y fraud at money laundering na may kinalaman sa halagang 1.225 milyong euro.

“Pero basically, parehong address ito. At itong registration number na 41423974 at address na Zoriana 30A ay nagko-correspond sa isang kumpanya involved sa isang criminal proceeding na binuksan noong May 19, 2025 para sa fraud and money laundering kaugnay ng 1.225 million euros,” ani Hontiveros.

Dagdag pa niya, ini­utos ng Pecherskyi District Court of Kyiv noong Marso 2026 ang paghahalughog sa lugar ng Arkmen LLC. Noong Abril 2026 naman, iniutos ng parehong korte ang pag-freeze sa 100 porsiyento ng shareholding ng isa sa mga suspek na may kaugnayan sa kumpanya.

Sa naunang testimonya ng isang AMLC official, lumitaw na ang CALE88, na kabilang sa mga negosy­ong idineklara ng Bise Presidente sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), ay nakatanggap ng humigit-kumulang P319.3 milyong remittance mula sa China at Hong Kong, kabilang ang ilan na nagmula umano sa mga kumpanyang pag-aari ng gobyerno ng China.

Sinabi rin ni Hontiveros na ang huling transaksyon ng Arkmen LLC sa CALE88 ay naitala noong Mayo 30, 2025.

Bilang tugon, sinabi ni Garcia-Marquez na may umiiral na koordinasyon sa pagitan ng BIR at AMLC upang maiwasan ang mga paglabag ng mga nagbabayad ng buwis kaugnay ng mga polisiya laban sa money laundering.

Gayunman, nilinaw niya na hindi kabilang sa mga dokumentong maaaring suriin ng BIR sa ilalim ng Letter of Autho­rity (LOA) ang mga bank account dahil saklaw ang mga ito ng umiiral na mga batas sa bank secrecy.

BIR

RIZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with