^

Probinsiya

22-anyos itinumba sa burol ng ama!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Humabol sa libingan ang isang 22-anyos na lalaki makaraang pagbabarilin sa mismong burol ng kanyang ama sa Brgy. 92 Apitong, Tacloban City, Leyte nitong Biyernes.

Kinilala ang biktima sa pangalang nitong Jason, isang glass installer na idineklarang dead-on-arrival sa Tacloban City Hospital bandang alas-5:49 ng umaga o ilang oras habang isinasalba ang buhay nito.

Sa ulat ng Tacloban City Police, nangyari ang krimen bandang alas-2:30 ng madaling araw sa nasabing lugar habang ang pamilya ng biktima ay naglalamay sa burol ng namayapa nilang padre-de-pamilya

Base sa report , abala sa burol ang pamilya ng biktima nang biglang umapoy sa likuran ng kanilang tahanan.

Kasalukuyang nagtutulong ang pamilya na maapula ang apoy nang biglang umalingawngaw ang dalawang putok ng baril na sumapol sa katawan ng nasabing biktima habang mabilis namang nagtatakbo patakas ang armadong suspect.

Nasakote ang suspect na tinukoy sa ­pangalang Garry, 26-anyos na positibong itinuro ng mga testigo sa pulisya.

Kasalukuyan nakakulong ang suspect na nahaharap sa kasong kriminal.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with