^

Punto Mo

Empleyadong floating ang status, maaari bang palitan?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Tama po ba ang ginawa sa amin na kami ng mga kasama ko sa trabaho ay pinag-forced leave ng tatlong buwan pero nabalitaan na lang namin last week na nag-hire ang kompanya namin ng mga bagong empleyado na ang trabaho ay kapareho lang din ng ginagawa namin? – Rina

Dear Rina,

Kung ang trabaho ng mga bagong hire ay kapareho lamang ng inyong ginagawa, mahirap nang ipagtanggol ng inyong kompanya na tunay ngang may pangangailangan ang negosyo para sa paglalagay sa inyo sa floating status. Kung may sapat na trabaho para sa mga bagong empleyado, bakit wala para sa inyo? Tandaan na nasa employer ang pananagutang patunayan na may tunay na pangangailangan at walang masamang hangarin ang paglalagay sa inyo sa floating status.

Mahihirapan ang employer na patunayan ang mga iyan ngayong kumuha sila ng kapalit habang kayo ay nakatengga lang.

Ang maipapayo ko sa inyo ay huwag kayong mag-resign at huwag kayong pumirma ng anumang quitclaim o waiver habang hindi pa malinaw ang inyong employment status. Mangalap kayo ng ebidensya tungkol sa mga posisyong nag-hire ng bagong empleyado ang kompanya ninyo, tulad ng mga job posting, at anumang nagpapakita na kapareho ng inyong tungkulin ang mga ipinapagawa sa mga new hires. Kung may sapat kayong ebidensya, maaari kayong dumulog sa pinakamalapit na tanggapan ng DOLE sa ilalim ng Single Entry Approach o SEnA, o magsampa ng reklamo para sa constructive dismissal sa National Labor Relations Commission.

EMPLOYEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with