‘Life’ sa babaeng courier ng P27 milyong shabu
MANILA, Philippines — Hinatulang ng habambuhay na pagkabilanggo ang isang babaeng drug courier ng aabot sa P27 milyon na naaresto noong nakaraang taon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City.
Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Isagani R. Nerez, si Arlene Labajo Angeles ay hinatulan ng habambuhay na pagkabilanngo at pinagbabayad ng multang P1 milyon.
Sa isang 21-pahinang desisyon na may petsang Oktubre 14, 2026, napatunayan ng Regional Trial Court (RTC), Branch 297, Pasay City, na si Angeles ay nagkasala sa paglabag sa Section 4 (Importation of dangerous drugs), Article II ng Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Batay sa record, noong Hunyo 14, 2025, nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction TaskGroup (IADITG) na humantong sa pag-aresto kay Angeles paglapag ng NAIA mula Kuala Lumpur, Malaysia, matapos makumpiskahan ng 3,970.6 gramo ng shabu, na nagkakahalaga ng P27,000,080.
“This conviction underscores our commitment to holding accountable those who attempt to smuggle dangerous drugs into the country. Drug couriers play a role in facilitating the cross-border movement of illegal substances, making effective airport interdiction measures, strong inter-agency coordination, and successful prosecution essential to protecting our communities,” ani Nerez.
- Latest




















