^

Metro

‘Micro hub’ bagong sistema ng mga scammer - Remulla

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
‘Micro hub’ bagong sistema ng mga scammer - Remulla
Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla on June 26, 2026
Michael Varcas/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Ibinunyag ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla ang bagong sistema ng mga scammer na “micro hub” upang itago ang kanilang operasyon.

Ayon kay Remulla, nangungupahan na lamang sa maliliit na bahay ang mga sindikato kaya tinatawag na “micro hub” kung saan 10 hanggang 20 katao lamang ang kapasidad at hindi tulad noon na libu-libong scammer ang nagtatrabaho sa iisang gusali.

Nabatid na tinututukan ng mga awtoridad ang tatlong aktibong micro scam hub sa Metro Manila na umano’y may kaugnayan sa mga sinibak na pulis at sundalo. Hindi pa tinukoy ng kalihim ang pagkakakilanlan at bilang ng mga dating pulis at sundalong hinihinalang sangkot, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Patuloy rin ang pagtugis sa mga naturang­ hub kasunod ng pagsalakay sa isang hinihinalang scam hub sa Zamboanga Sibugay noong Oktubre 2, na nagresulta sa pag-aresto at pagsagip sa 244 na dayuhan, karamihan ay Chinese.

Kinumpirma rin ni Remulla na mga dayuhan ang nagpapatakbo sa mga micro hub, ngunit may mga Pilipinong katuwang ang mga ito. Aniya, kabilang sa umano’y ginagamit na tauhan ng mga operator ang mga sinibak na pulis at sundalo.

Binigyang-diin ni Remulla na hindi malawakan ang mga naturang operasyon at nakapokus lamang sa ilang lugar.

JONVIC REMULLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with