^

PSN Opinyon

‘Edjop’: Biopic ng bayani kontra batas-militar (1)

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Alay sa mga nagbuwis ng buhay kontra diktadurya ang Bantayog ng mga Bayani, Quezon City. Kabilang sa 339 pangalan na naka-ukit sa Wall of Remembrance ay Edgar “Edjop” Jopson. Isinapelikula ngayon ang buhay ni Edjop habang lumulubog ang bansa sa pagtalikod sa katotohanan at pagbaluktot sa kasaysayan.

Nakakakilabot panoorin ang biopic na “Edjop”. Kwento ito ng pananalig sa tama, at pagtuligsa kontra abuso ng maykapangyarihan.

Si Edjop ay Ateneo graduate na lumaki sa ginhawa, pero tumalikod sa yaman para kumprontahin ang diktadurya ni Ferdinand Marcos Sr. Naging isa siya sa pinaka-wanted na “subersibo” sa paghaharing militar ni Marcos.

Nagsimulang moderatong pinuno ng National Union of Students of the Philippines, inadhika ni Edjop ang mapayapang unti-unting pagbabago ng sistema. Pero nu’ng naging marahas ang rehimen, kinitil ang demokrasya at pinagkukulong ang mga aktibista, iniwan ni Edjop ang abogasya para magtatag ng mga uniong manggagawa at tumindig sa hanay ng mga nasa laylayan.

Nanguna si Edjop sa First Quarter Storm ng 1970. Sa demonstrasyon ng daan-libong estudyante sa Malacañang nu’ng Jan. 30, bahagi siya ng delegasyong inimbita para makausap ang kare-reelect pa lang na President Marcos, na nagbabalak magkaroon ng bawal na ikatlong termino.

Pinaghintay sila ng isa’t-kalahating oras. Tapos, dumating si Marcos kasama ang TV news crews. Iniabot ni Edjop ang papel at nagsabing, “Paki-pirmahan mo po na hindi mo palalawigin ang termino mo na magtatapos sa 1973.” Pinandilatan siya ni Marcos: “Sino ka para sabihan ako kung ano ang dapat kong gawin? Anak ka lang ng tindero ng groceries.”

Nag-riot ang mga demonstrador sa labas.

(Itutuloy bukas…)

DIKTADURYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with