^

Punto Mo

EDITORIAL- Maghanda sa ­bangis ng El Niño

Pang-masa

AYON sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), isang “very strong” El Niño ang inaasahang magsisimula sa susunod na buwan at magpatuloy hanggang unang bahagi ng 2027.

Isang task force ang pinabubuo ni President Ferdinand Marcos Jr. para maprotektahan ang agriculture sector. Kinausap na rin niya ang National Irrigation Administration (NIA) tungkol sa paghahanda sa posibleng matinding tagtuyot.

Nasa 45 probinsiya na ang nakararanas ng rainfall deficit, at inaasahang lalo pang bababa ang pag-ulan sa mga susunod na buwan.

Pero hindi sapat ang task force at babala kung hindi ito agad magiging konkretong ­paghahanda. May P6.2 bilyon nang inaprubahang farm at fuel assistance para sa farmers at fisherfolk. Humihingi rin ang Department of Agriculture (DA) ng dagdag na P3.5 bilyon para sa solar-powered irrigation systems.

Ang mahalagang tanong: gaano kabilis makararating ang tulong sa mga lugar na unang maaapektuhan ng El Niño?

Hindi lamang ani ang nakataya. Ang ­matinding El Niño ay maaaring makaapekto sa water supply, power generation at public health.

Isang pag-aaral ng University of Chicago Climate Impact Lab ang nagtantiyang maaaring magkaroon ng humigit-kumulang 6,500 heat-related deaths sa Pilipinas sa panahon ng Super El Niño, isang projection na nagpapakita kung gaano kaseryoso ang panganib kung kulang ang adaptation.

Kaya habang pinaghahandaan ang drought-resistant crops at irrigation, kailangan ding ihanda ang mga ospital, water systems, power supply at heat-warning mechanisms.

Dapat matukoy nang maaga ang mga komunidad na pinaka-vulnerable at doon unang ilagay ang tubig, ayuda at health intervention.

Sinasabi ng DA na mas handa ito ngayon dahil sa nakaraang El Niño. Magandang marinig iyon.

Pero ang tunay na sukatan ng paghahanda ay hindi ang dami ng planong inilahad. Kapag dumating ang tagtuyot, ang mga tanong ay ito: may tubig ba, may pagkain ba, may kuryente ba at may tulong bang darating kung ang krisis ay lumubha?

PAGASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with