Aguas isinalba Gilas Boys

MANILA, Philippines — Isinalpak ni Ethan Aguas ang game-winning basket sa huling 2.2 segundo para tulungan ang Gilas Pilipinas Boys sa 89-88 pagtakas sa Chinese Taipei sa Group A ng 2026 FIBA U18 Asian Championships kahapon sa Ahmedabad, India.
Muntik mabalewala ang itinayong 27-point lead ng tropa ni coach Juno Sauler sa third period.
Nakabangon kasi ang mga Taiwanese sa fourth quarter at inagaw ang 88-87 kalamangan sa huling 6.9 segundo galing sa drive ni 6-foot-8 center Carter Coleman.
Mabuti na lamang at naipasok ni Aguas ang kanyang jumper sa nalalabing 2.2 segundo para itaas muli ang Gilas Boys sa 89-88.
Tumapos si Aguas na may 16 points para sa Nationals, habang kumamada si Jan Cagurungan ng 21 markers kasama ang three-point shot na nagbaon sa Chinese Taipei sa 70-48 sa 3:59 minuto ng third period.
Nagdagdag si Prince Carino ng 9 points at 9 rebounds at tumipa si Chog Moral ng 7 points, 7 rebounds at 2 steals.
Sunod na lalabanan ng mga Pinoy dribblers ang Australian bukas ng ala-1 ng hapon bago harapin ang Thailand sa Lunes sa alas-4 ng hapon.
- Latest






















